Una sa Balita

Anne ayaw paawat sa kalokohan

0 437

Buntis ka na teh!

Kahit limang buwang buntis, hindi pa rin nababawasan ang pagiging kikay ni Anne Curtis. Pero may dahilan daw siya para i-justify ang kanyang kalokahan.

Isang follower ni Anne ang nag-tweet ng footage ng “It’s Showtime” kung saan mapapanood na naghi-head banging ang actress-host at iniikot-ikot pa nito ang kanyang ulo.

Pinansin ng follower niya kung ano ang kanyang ginagawa. Sumagot naman si Anne na ginagaya lang niya ang galaw ng buhay sa kanyang sinapupunan.

Na-cute-an ang mga follower ni Anne sa napanood nila, na kung tutuusin ay hindi naman bago dahil likas na kay Anne ang pagiging kikay.

Pero ngayon dahil may kakaibang nararamdaman ang aktres at pagbabago sa kanyang katawan, hindi nito minsan maipaliwanag ang mga kakatwang galaw niya, at kapag napapansin ng iba, may excuse na siyang gawing dahilan ang ipinagbubuntis.

Ritz kampante kay Joseph

Kahit natapos na ang stint nina Joseph Marco at Ritz Azul bilang magka-love team sa seryeng “Los Bastardos”, hindi pa rin nawawala ang respeto at init ng kanilang samahan.

Sa muling pagsasama ng dalawa sa episode ng “MMK” nitong Sabado, nagpahayag ng kasiyahan si Ritz sa tweet nito sa piling ni Joseph. Pinasalamatan ni Ritz ang professionalism ng aktor at mas naging kampante siya sa huli nilang trabaho.

Nag-tweet reply naman si Joseph at sinabi nitong mas higit ang kasiyahan niyang makatrabaho muli ang aktres.

Well, kahit hindi nagkatuluyan sina Ritz at Joseph, naging mas close sila ngayon.

Angel super bonding kina Dimples, Coco sa Rome

Ang “ASAP Natin ‘To” sa Rome ang nagsilbing tulay para magkita-kita muli at magkaroon ng pagkakataong maka-bonding ng mga Kapamilya singer-star ang isa’t isa.

Napuno ang Instagram ng mga balita at larawang nagpapakita ng mga masasayang moment ng mga celebrity. Masisilip ang bonding nina Angel Locsin, Angeline Quinto, Regine Velasquez at marami pang iba.

May mga photo op din sina Kathryn Bernardo, Maymay Entrata, Piolo Pascual, Erik Santos, Zsa Zsa Padilla, Gary Valencaino, Martin Nievera, at Ogie Alcasid.

Nagkita-kita rin ang mga teleserye star na sina Coco Martin, Yassi Pressman, Dimples Romana, Beauty Gonzales. Isang magandang project ang mga ganitong live show abroad para maramdaman ng mga star ang friendship nila.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy