Una sa Balita

Anne agaw-eksena sa pelikula ng mga Kapuso star

0 754

Ay, bigla na lang sumulpot si Anne Curtis sa pelikulang pinagbibidahan ng little sister niyang si Jasmine Curtis Smith, ha!

Nasurpresa nga ang mga nanood sa premiere night ng movie na “Cara X Jagger” nina Jasmine at Ruru Madrid. Dahil sa unahan pa lang ng movie, biglang umeksena si Anne, ha!

At agaw-eksena siya, dahil sobrang kuwela ng scene niya. Ang taas agad ng energy niya.

Sumisigaw agad, as in hysterical acting agad siya, habang subdued lang naman ang acting ni Jasmine.

At kaloka, dahil sa dinami-rami ng lalaki sa GMA-7, ang aktor na ito, na nakatambal na rin o pinagpantasyahan na rin ni Marian Rivera sa isang movie noon, ang ipinareha kay Anne, ha!

Yes, suwerte talaga ng aktor na ito, ha! So, nood na lang kayo para malaman niyo kung sino siya!

Bianca Umali tumakas sa trabaho para kay Ruru

Speaking of “Cara X Jagger”, nagkaroon nga sila ng premiere night nu’ng Martes ng gabi sa Megamall Cinema 1, at bongga, dahil dagsa talaga ang mga Kapuso star na sumuporta kina Ruru Madrid at Jasmine Curtis Smith.

Pero, ang pinakabonggang sumuporta ay si Bianca Umali, na sabi-sabing dyowa ngayon ni Ruru, ha! Sa chikahan namin ni Ruru, sinabi niya na hindi makakarating si Bianca, dahil nasa work nga raw.

Eh, bigla ngang sumulpot sa premiere night. So, tumakas lang si Bianca sa trabaho para kay Ruru. Well…

“Surprise po!” sabi ni Bianca nu’ng tanungin ko.

Oh, ‘di ba? Pag-amin na ba ito na silang dalawa na nga?

Anyway, kahit nga natsitsismis na magdyowa na sina Bianca at Ruru, hindi pa rin naman nawawalan ng project sina Bianca at Miguel Tanfelix.

Katunayan, sila ang magkasama ngayon sa “Daig Kayo ng Lola Ko”.

Sa episode nga nito sa Linggo, malalaman ni Tricia na buhay pa si Brix, na comatose lang ang binata sa ospital. At susubukan nga ng kaluluwa ni Brix na pumasok sa katawang lupa niya.

Tumulong si Tricia na makabalik si Brix sa body niya. Pero, biglang nag-off ang machine, at sinisi nga ni Marge si Tricia.

While watching over his body, Brix hears his secretary divulging that Jigs was behind the stolen funds. He also sees his brother injecting something in his IV port.

Brix calls on Tricia for help but when they get to the hospital, Brix is already dead. Tricia visits the lifeless body of Brix at the morgue. She tearfully gives him a hug. As she walks up, Brix’s body comes back to life.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More