Una sa Balita

Annabelle tumangging magparetoke ng mukha

0 385

‘Kaloka talaga, Dondon, mas lumala pa ang traffic sa buong Metro Manila dahil Christmas season na at kaliwa’t kanan ang parties, huh!

Noong Monday night, go kami ni Annabelle Rama sa Christmas party ng NuEssence na ine-endorse nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati at naloka kami sa sobrang traffic at kahit nag-Skyway na kami, more than three hours pa rin bago kami nakarating sa Alabang, Muntinlupa.

‘Kaloka, pero masaya naman sa party ng NuEssence, kaya nag-enjoy kami ni Bisaya. Dinatnan na rin namin doon si Eddie Gutierrez, pati si Sarah.

Si Tito Eddie kasi, nagpunta muna sa bahay nina Richard at Sarah at dinalaw ang mga apo na sina Zion at Kai. Kapag kasi hindi nakakapunta sa White Plains house nila ang mga apo, ang Gutierrez patriarch ang dumadalaw sa mga apo sa Alabang.

Si Richard, hindi na nakasama kay Sarah sa Christmas party dahil may ibang commitment pa at pinaghahandaan din niya ang taping kagabi ng ABS-CBN Christmas Special na ginanap sa Araneta Coliseum.

Today, aalis naman sina Richard at Sarah kasama ang mga anak para mag-beach.

Anyway, dapat ay hindi kami magtatagal sa NuEssence, pero dahil masaya nga sa pa-party ni Ms. Lovelyn, nag-stay na lang kami kesa naman maipit lang kami sa matinding traffic, huh!

Sa tsikahan nga pala namin ni Sarah, naikuwento niyang abala na sila sa wedding preparations nila. Sa March 14, 2020 na kasi ang kasal nila ni Richard, kaya inaasikaso na nila ang lahat ng mga dapat asikasuhin. Tinatawagan na rin ng mag-fiancé ang mga ninong at mga ninang.

Pati si Bisaya, abala sa pagpa-follow-up sa mga ninong at mga ninang. Habang nata-traffic nga pala kami ni Bisaya ay biniro ko siya na kailangan na niyang magpapayat at magpa-beauty treatment sa mga beauty clinic na ka-close niya para sexy na siya sa kasal nina Richard at Sarah.

Sabi ko, kailangang gulatin niya ang lahat sa wedding. Pero ang problema kay Bisaya, takot siya minsan sa mga beauty machine, kaya kailangan pa talagang pilitin siya.

Actually, takot nga rin magparetoke si Bisaya at hindi niya ma-take ang injection, kaya naman natural pa rin daw hanggang ngayon ang kanyang kagandahan.

Puro cream lang daw sa mukha ang kaya niya at ayaw niya ng operasyon, ‘noh?!

Alfred tumataba sa kakatrabaho

Dahil sa napakaraming trabaho bilang representative ng 5th dictrict ng Quezon City, kahit panay ang exercise ni Alfred Vargas ay hindi pa rin mapigilan na medyo lumaki siya.

Nang magkita kami sa Congress noong Monday, inamin ng aktor na medyo tumaba siya, pero ginagawan naman daw niya ng paraan. Hirap din kasi ng maraming trabaho, hindi mo mapigilang kumain.

Saka kapag politician kasi, madalas na lumibot siya sa 5th district ng QC at maraming nag-aalok sa kanya na kumain at magtatampo naman kung hindi niya pagbibigyan, huh!

Oo nga pala, kahit sa politika si Alfred, paminsan-minsan naman ay nakakagawa siya ng pelikula lalo na kapag break ang Congress.

Siyempre, abala rin si Alfred sa pag-aasikaso sa kanyang pamilya katulong ng misis niyang si Yasmine. Two girls and one boy ang anak nila ni Yasmine at ang bunsong si Cristiano ay mag-iisang taon na sa December 22.

Bale bukod sa mag-asawa, ang mga ate ni Cristiano na sina Alexandra Milan at Aryana Cassandra ay maalaga sa kanilang baby brother.

Ang pagiging healthy nga pala nila ng kanyang pamilya ang isa sa Christmas wishes ni Alfred!

Nice!

Mga Kapamilya star tuloy ang dasal sa franchise renewal

Magtatapos na ang 2019, pero ang franchise renewal pa rin ng ABS-CBN ang matinding topic ngayon ng marami. Hindi na nga ba maa-approve ng Congress ang franchise renewal ng Kapamilya network?

Siyempre, marami ang nananalangin na mga Kapamilya star na sana ay magpatuloy pa rin ang Dos.

Sana nga ay magkaroon na ng linaw ‘yon bago ang expiration ng kanilang franchise sa March next year!

For now, ang masasabi lang ng lahat ay, “abangan ang susunod na kabanata”!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More