Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Annabelle super lungkot: Coco, KimXi, ASAP, Showtime nanganganib ipatigil

0 1,074

Malungkot si Annabelle Rama habang kausap ko noong Monday afternoon. Nanonood daw siya sa hearing ng kongreso kaugnay sa ABS-CBN franchise renewal.

Naloka si Bisaya na mukhang pati ang cable operations, pati ang ABS-CBN TVPlus, ay gustong ipatigil ng ilang kongresista. Hindi mapakali si Bisaya habang kausap ko.

“Nagte-taping pa naman sina Ruffa (Gutierrez) ng ‘Love Thy Woman’. Kung pati ‘yung Kapamilya Channel ipatitigil, saan sila ipapalabas?” dialogue ng Gutierrez matriarch.

Oo nga, masaya pa naman ang cast ng “Love Thy Woman” na nagbalik-taping na sila simula noong Sunday.

Ang mga KimXi fan pa naman ng mag-sweetheart na Kim Chiu at Xian Lim, masaya na rin na magkasama na uli ang dalawa simula noong Monday sa set ng nasabing afternoon series ng Kapamilya Channel.

Paano na lang kung biglang ipatigil din ang cable operations, pati ang ABS-CBN TVPlus ng Kapamilya network, nangangahulugan ba ‘yon na titigil na ang taping ng “Love Thy Woman”, pati ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ni Coco Martin?

Paano na ang live episode sa Sunday ng “ASAP Natin ‘To”? Ang alam ko, may taping din sila ng ilang episodes dahil hindi nga sila nagla-libve palagi.

Tsk… tsk… tsk…

Sana ay hindi naman sila tuluyang mapatigil lalo na at bumalik na naman ang saya ng maraming subscribers ng TFC (The Filipino Channel) around the world.

Nganga sa work: Fil-Am star lalayasan na ang Pinas

Your email address will not be published.