Una sa Balita

Annabelle mas kampi kay La Greta kesa sa anak

0 851

Una kong inilabas dito sa Abante ang tungkol sa pagbabati nina Annabelle Rama at Gretchen Barretto kahit pareho nilang sinasabi na wala naman talaga silang away.

After ng pag-uusap nina Annabelle at Gretchen (na sinabi pang, “Tita, kapag ‘nag-aaway’ kami noon ni Ruffa, mas kinakampihan mo pa ako!”), naganap nga ang interview ko sa kanila kasama si Eddie Gutierrez at nakasama pa nga ang businessman na si Atong Ang.

Noong nag-uusap sina Annabelle at Gretchen, nag-dialogue pa ang huli na wala silang problema ng Gutierrez matriarch at nag-dialogue nga raw si Atong sa kanya na, “Nandiyan ang kaaway mo!”

“Sinong kaaway?” tanong daw ni Gretchen sa kanyang business partner at sagot daw nito, “Si Annabelle Rama!” at sinagot daw niya na, “Hindi kami magkaaway!”

Anyway, sa mga hindi pa nakapanood ng interview ko kina Tita Annabelle, Tito Eddie, Atong and Gretchen, just click sa link na ito sa YouTube: Anything Goes with Jun Lalin at hanapin ang interview ko sa kanila.

Dondon, bago ko nga pala makalimutan, gusto kong pasalamatan si Mother Lily Monteverde na nag-invite sa amin ni Tita Annabelle sa Gloria Maris sa Greenhills, San Juan dahil kung hindi nagyaya roon ang producer ng Regal Entertainment ay hindi mangyayari ang chance meeting na ‘yon.

Hindi sana maaayos agad ang “sigalot” sa pagitan nina Tita Annabelle at Gretchen.

And yes, Dondon, sa video interview ko sa kanila ay maririnig ang sinabi ni Atong na, “Of course naman!” nang tanungin ko siya kung gusto niya na magkabati-bati na talaga ang lahat.

Assunta ‘di nakatanggi kay Alessandra

Kahapon ay dinalaw ko ang magkapatid na Assunta at Alessandra de Rossi sa second taping day nila. Bale special anniversary special ng show ni Marian Rivera ang pinag-guest-an ng magkapatid.

Actually, nang malaman nila na sila ang co-stars, tinanggap na kaagad nila ang alok na mag-guest dito.

Noong Monday raw sa first taping day nila sa Angono, Rizal ay medyo takot na sila sa lakas ng hangin dahil kay bagyong “Tisoy”. Pero hanggang ambon lang daw ang inabot nila.

Pero noong Tuesday na grabe ang bagyo, akala nila ay hindi matutuloy kahapon ang taping nila, pero wala na ngang ulan at hindi na mahangin.

“At ang init na!” sey ni Assunta.

Habang katsikahan ko nga pala si Assunta ay nagpaka-Princess Aurora as in Sleeping Beauty si Alessandra. Ganoon daw siya madalas sa set kapag hindi kinukunan para makapagbawi siya ng pagod.

Malamang nga pala na sa Saturday na ipalabas ang episode sa show na iyon nina Assunta at Alessandra.

Pops nangarag sa party

Ngaragan na si Pops Fernandez sa kaliwa’t kanang Christmas party with her friends. Aalis na kasi siya pa-Los Angeles, California on Sunday at sa December 28 na ang balik niya.

Aalis si Pops dahil sisimulan na nila ni Martin Nievera on December 14 ang second leg ng kanilang Two-gether Us tour. Bale sa Los Angeles, California ang kick-off nila on December 14.

Masaya raw dahil makakasama nila sa US ang mga anak na sina Robin and Ram Nievera. Magkakasama nga raw sila sa Christmas.

Ang bongga!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy