Una sa Balita

Annabelle, Gretchen bati na

0 927

Ni Jun Lalin

Nagkabati at winakasan na nina Annabelle Rama at Gretchen Barretto ang “sigalot” sa pagitan nilang dalawa!

Naganap ang pagbabati nina Annabelle at Gretchen kahapon sa isang Chinese restaurant sa Greenhills, San Juan.

Magkasama kami ng Regal Entertainment, Inc. producer na si Lily Monteverde at nandoroon din ang mag-business partners na sina Gretchen at Atong Ang.

May mga ka-meeting sina Gretchen at Atong kaugnay ng isang business nila.

Bago pa dumating si Annabelle, lumapit na sa amin si Gretchen at nakipagkuwentuhan.

Paalala lang nina Gretchen at Mother Lily na huwag ko na lang isulat ang mga napagkuwentuhan nilang dalawa.

Nang bumalik na si Gretchen sa mga ka-meeting nila ni Atong, ilang sandali pa ay dumating na si Annabelle.

Nasa comfort room si Gretchen nang dumating si Annabelle, pero pagbalik niya, tinawag siya ni Mother Lily, “Huwag na mag-away-away, magbati-bati na para positive ang lahat!”

Paglapit ni Gretchen, niyakap niya si Annabelle habang nakatalikod at yumakap din sa kanila si Mother Lily.

‘Tapos na ang problema. Bati-bati na. Tapos na ang problema at walang sumbatang nangyari although pinag-usapan nila ang mga pangyayari kung saan ay may pinost si Gretchen laban kay Ruffa Gutierrez.

Matatandaang pinost sa IG stories ni Gretchen ang komentong “Freshhhhhh” ni Ruffa, na anak ni Annabelle, sa post ni Julia Barretto sabay sabing “Sawsaw pa more. Ruffy! Take it, take it!” noong Oktubre 24. Hindi umano ito nagustuhan ni Annabelle.

Matagal pa ang naging kuwentuhan nina Annabelle, Gretchen at Mother Lily, pero nakiusap sila sa akin na huwag na lang isulat ang mga ‘yon.

“Hindi ako magdedetalye, pero isusulat ko ang pagbabati, hindi puwedeng hindi. Banner na bukas sa Abante!” at pare-pareho silang natawa na lang!

Samantala, may exclusive video interview ako sa kanilang lahat, including Atong, sa “Anything Goes” online show ko sa Facebook page ng Abante News Online ng 2:00PM.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy