Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Annabelle, Eddie sabik na kay Raymond

0 124

Alam mo, Dondon (my dear editor), pauwi na rin ng ‘Pinas si Raymond Gutierrez sa first week of June at obvious na excited na ang nanay niyang si Annabelle Rama na muli nilang makakasama ang isa sa kanyang anim na anak.

More than a year din kasi sa Beverly Hills, California si Mond (paboritong tawag sa twin-brother ni Richard Gutierrez).

Kapag kausap ko nga si Tita Annabelle lately, palaging si Mond ang topic niya. Inaayos din kasi namin ang ilang mga guesting ng kanyang anak.

Yes, bukod sa isang endorsement shoot, may ilang mga guesting sa ilang TV shows si Mond at kasama na roon ang isang exciting one-on-one sit down interview sa isang kilalang TV journalist.

Siyempre, excited si Tita Annabelle at ang mister niyang si Eddie Gutierrez dahil makakasama na naman nila si Mond sa kanilang family lunch bonding every Sunday.

Kahit nga kasi gaano ka-busy ang pamilya Gutierrez, every Sunday, hanggang maaari, sama-sama silang nagla-lunch sa family house nila sa Quezon City.

Si Chard (Richard), kasama ang misis na si Sarah L:ahbati, pati mga anak na sina Zion at Kai at may mga pagkakataon din na kasama ang mother-in-law niyang si Esther Lahbati.

Si Rocky naman, kasama ang anak. Si Elvis, siyempre, mas madalas sa kanilang QC house kasama ang misis na si Alexa at mga anak na sina Aria At Ezra. Si Ritchie Paul naman nakatira sa parents niya.

Si Ruffa, siyempre, palaging bitbit pa rin ang bunso niyang si Venice. At ngayong pabalik na rin si Lorin ng ‘Pinas (school break sa Pepperdine University sa Malibu), siyempre pa, tatlo na naman silang palaging pupunta kina Tito Eddie at Tita Annabelle.

Si Mond nga kapag kausap ko, excited na makasama uli ang kanyang pamilya aside from working again sa ‘Pinas. He’s planning to stay hanggang end of June para makasama rin ang Ate Ruffa niya sa birthday nito, pero sabi naman niya, if may work pa raw na kailangang gawin, he’s willing to extend.

Naku, hindi kaya tambakan ni Tita Annabelle ng work si Mond para hindi kaagad makabalik ng Beverly Hills at magtagal ang bonding nila?

Well…

Janine, Paulo maglilibot sa mga sinehan

Ang ‘Ngayon Kaya’ nina Paulo Avelino at Janine ang makapagpabalik ng mood ng mga fan sa panonood ng pelikula sa mga sinehan?

Sa June 22 pa ang theatrical release ng pelikulang ‘yon ng PauNine, pero grabe na ang promotions nila, huh!

Ang sipag nga nina Paulo at Janine na mag-post sa kanilang mga social media account ng teaser ng ‘Ngayon Kaya’ at ang kanilang mga PauNine fan naman, ang sipag din sa pagse-share ng bawat i-post ng rumored sweethearts.

Ang maganda pa, Dondon, aba, balik na rin ang mall tour dahil simula bukas nga ay lilibot sa ilang mga mall ang PauNine para sa promotions ng ‘Ngayon Kaya’.

Bukas nga ay nasa SM Center Imus sila ng 4:00pm at segue sila sa SM City Bacoor ng 6:00pm at sa Sunday ay nasa Vista Mall Taguig naman sila ng 4:00pm at dederetso sila sa SM Center Muntinlupa ng 6:00pm.

Noong ganado pa ang mga tao na manood sa mga sinehan, ratsada rin ang mga artista sa pagmo-mall show para i-promote ang kanilang mga pelikula.

Sana nga makatulong ang kasipagan nina Paulo at Janine para sipagin uli ang mga tao na manood sa mga sinehan, huh!

Well, with ‘Ngayon Kaya’, sana nga ngayon na talaga ang panahon para dagsain uli ang mga sinehan!

‘Yun lang!

Leave A Reply

Your email address will not be published.