Una sa Balita

Annabelle, Eddie pakakasal ulit sa 2019

By
0 505

Sa October 31 ay 66 years old na ang Gutie­rrez matriarch na si Annabelle Rama.

Hindi naman nagre-react si Bisaya kapag binabanggit ang edad niya dahil in fairness to her, hindi naman siya mukhang magsi-66 na. Para nga siyang nasa early 50’s pa lang (ayan na ang birthday gift ko sa ‘yo, Tita, hahaha).
Kapag pinupuri nga si Bisaya tungkol sa kanyang hitsura, proud niyang sinasabi na walang retoke sa kanyang beauty, huh! All natural daw ang nakikita namin sa kanya!

May pa-party nga pala si Bisaya at bising-busy siya roon. Advance ang birthday celebration niya dahil aalis pa-Los Angeles, California ang anak niyang si Raymond Gutierrez.

Si Bisaya mismo ang nakikipag-usap sa mga singer na gusto niyang mag-perform sa kanyang birthday celebration, kaya ang biro ko tuloy sa kanya, parang may pa-concert siya at baka ticke­ted event ‘yon.

“Hindi. Grabe ka. Pero siyempre, gusto kong kumanta sa birthday party ko ‘yung mga paborito ko!” sey ni Bisaya.
Sa isang tsikahan nga pala, nasabi ni Raymond, pati ni Ruffa, na gusto nilang magkaroon ng renewal of vows ang nanay nila sa tatay nilang si Eddie Gutierrez.

Kung hindi ako nagkakamali, may 35 years (or more?) na married silang dalawa at nananatiling matatag ang kanilang samahan!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy