Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Annabelle duda: Ruffa hiwalay na kay Jordan

0 242

Big revelation sa virtual presscon ng “Stay-In Love” ang dialogue ni Ruffa Gutierrez na SINGLE na siya!

Ang mga nasa virtual presscon na ‘yon, nagulat sa sinabi ni Ruffa, huh!

Sabi pa ni Ruffa, first time niyang in-announce na single na siya.

Siyempre, ang tanong ng marami – alam na ba ni Annabelle Rama ang tungkol sa pagiging single uli ng kanyang panganay?

After ng “Stay-In Love”, tinawagan ko si Bisaya para ikuwento ang sinabi ni Ruffa, pero hindi makontak ang Gutierrez matriarch.

Kahapon na ng umaga ko nakatsikahan si Bisaya.

“Alam mo naman ang cellphone ko, palaging may sira. Ang mga apo ko kasi na sina Aria at Ezra, palaging hinihiram para manood ng mga video, kaya madalas malaglag,” sey niya.

Nang sabihin ko ang tungkol sa dialogue ni Ruffa sa virtual presscon ng “Stay-In Love”, parang hindi naman siya nagulat.

Ang sabi niya, “Baka drama lang ‘yan ni Ruffa… noon kasi, nag-text pa siya sa buong pamilya para sabihin na wala na ‘yung lalaki, pero nandiyan pa naman.

“Baka naman may ibang nanliligaw lang ngayon kay Ruffa kaya sinasabi niyang single siya o hiwalay na kay Jordan.

“Ewan ko rin, iimbestigahan ko muna bago ako maniwala!” sey ni Bisaya.

Naku! Kung ang lahat ng mga nasa virtual presscon ng “Stay-In Love” na nakapakinig sa dialogue ni Ruffa na single na siya ay parang na-excite, si Bisaya naman, DUDA, huh!

SM food to go Banner Ad

‘Kaloka!

My gosh, parang nakikinita ko na ang magiging reaction ni Ruffa kapag tumawag siya sa akin at tanungin ako kung, “Ano ang balita?!”

Hahaha!

***

Janine live sa Abante

From Ruffa ay punta naman tayo sa isa pang Gutierrez, si Janine, na panganay nina Ramon Christopher at Lotlot de Leon.

Si Janine nga ang tinanghal na best actress ng 43rdGawad URIAN para sa pelikulang “Babae at Baril” at runaway winner siya sa nasabing kategorya dahil 7 out of 10 votes ang nakuha niya, huh!

Ang bongga!

Anyway, isa ang tungkol sa kanyang best actress award sa live na pagtsitsikahan namin ni Janine mamayang 2:00PM sa “Anything Goes” online show ko sa Facebook page ng Abante News Online.

Dahil live nga ang tsikahang ‘yon, puwede kayong mag-participate sa tanungan sa pamamaghitan ng pagko-comment.

So, join na sa tsikahan with Janine mamayang 2:00PM, huh!

At para sa napakaraming mga tsika at news at iba’t ibang nakakaaliw na shows, don’t forget to subscribe sa Abante News Online!

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.