Una sa Balita

Annabelle, Assunta, Jana tuwang-tuwa: Abante Christmas party super bongga

0 556

Alam mo, Dondon, ang saya lang na ang daling papuntahin ni Annabelle Rama sa Christmas party ng PRAGE Management Services, Inc. na publisher ng Abante.

Ang maganda pa kay Bisaya, dahil wala ang mga anak na sina Ruffa (may shoot para sa isang new endorsement), Raymond (na umalis noong Monday pa-Los Angeles, California- for a “secret project”) at Richard Gutierrez (na out of town with Sarah Lahbati and their children Zion and Kai), isinama pa niya ang mga talent niyang sina Assunta de Rossi at Jana Victoria.

Naaliw-aliw sina Bisaya, Assunta at Jana sa performances ng mga taga-Abante, huh!

Hindi ako magtataka kung biglang may i-manage si Bisaya sa mga taga-Abante na nag-perform kahapon.

Sabi naman ni Assunta na kahit paminsan-minsan na lang tumatanggap ng showbiz projects, bilib siya sa Christmas party ng Abante dahil sa Marriott Grand Ballroom ginanap, huh!

Sabi naman ni Jana, “Ang bongga!”

Gold medalist ng SEAG naki-tipar sa Abante

Isa pang nagpunta sa Christmas party ng Abante ay si Mark “Mugen” Striegl na gold medalist sa Southeast Asian Games (SEAG) 2019 for Sambo (he’s a MMA fighter, pero ang Sambo raw ang closest sa kanyang sports na kasali sa SEA Games).

Actually, isinabay ko na ang live interview ni Mark sa “Anything Goes with Jun Lalin” YouTube show ko for Abante News Online.

Naku, ang daming may crush kay Mark, pero married na pala siya at may isang anak.

Nagbiro si Mark nq “feisty” ang misis niya na si Star, kaya sa girls and gays too, beware! Hahaha!

Oo nga pala, Dondon, nakakatuwa si Mark dahil game siya nang i-request ko na ipakita niya ang kanyang abs.

Ang bongga ng abs niya na twice pa niyang ipinakita, kaya sa mga hindi nakapanood, watch n’yo ‘yon sa YouTube channel ng online show ko.

Manager nga pala ni Mark si Dondon Monteverde na kilalang movie producer kaya hindi imposible na mag-artista rin siya in the future, huh!

Oo nga pala, thank you kay Niño Bautista na owner ng Euphoria Maxx na ine-endorse ni Mark, dahil siya ang nagdala sa Abante sa MMA superstar! Ang bongga!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More