Una sa Balita

Anna Faris muntik malason sa Tahoe

0 388

Muntik na palang malason ang Hollywood actress na si Anna Faris at ang kanyang pamilya noong nakaraang Thanksgiving Day. Nag-celebrate ng Thanksgiving si Anna at ang kanyang pamilya sa isang rented house sa Lake Tahoe. Dalawa raw sa family members ang biglang nagkasakit pagpasok sa bahay.

Inakala ni Anna na altitude sickness lang pero carbon monoxide poisoning na pala iyon. Tumawag daw agad ang aktres sa 9-1-1 at lumabas silang lahat ng bahay. Tatlong fire departments ang tumugon sa tawag mula sa North Meeks Bay Fire, North Lake Tahoe Fire and Truckee Fire.

Via Twitter ay nagpasalamat si Anna sa mabilis na pagdating ng tulong.

“I’m not quite sure how to express gratitude to the north Lake Tahoe fire department- we were saved from carbon monoxide- it’s a stupidly dramatic story but I’m feeling very fortunate.”

Napag-alaman na ang nirentahan na bahay nila Anna ay walang carbon monoxide detectors.

Mabuti na lang daw ay hindi kasama ni Anna ang anak niyang si Jack dahil kasama nito ang ex-husband niyang si Chris Pratt at nag-Thanksgiving ito kasama ang pamilya ng bagong wife ni Chris na si Katharine Schwarzenegger. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More