Una sa Balita

Anita Linda, Angie Ferro, Gloria Sevilla mga tunay na aktres sa lahat ng henerasyon

0 286

Mga pelikulang nagbigay-halaga sa mga beterano:

Ikinatuwa ng mga moviegoer ang pagkakaroon ng tatlong pelikula sa nakaraang Pista Ng Pelikulang Pilipino (PPP) na pinagbidahan ng tatlong veteran actress na sina Anita Linda (“Circa”), Angie Ferro (“Lola Igna”) at Gloria Sevilla (“Pagbalik”). Bihira kasi noon na pagbidahin ang mga aktres na nasa edad 70 at pataas.

Nagwagi pa bilang best actress ng PPP si Angie at nanalo pang best picture ang “Lola Igna” na tungkol sa buhay ng oldest living grandmother in the world.

Nakakatuwang isipin na dahil sa pagsibol ng indie films, nabibigyan pa ng pagkakataon ang ageing actresses natin na magbida sa pelikula. Tulad sa Hollywood na habang tumatanda ang kanilang arista, mas nabibigyan nila ito ng mahahalaga at magagandang roles sa pelikula at TV.

Parte na ng buhay natin ang pagtanda at ang mahanap pa ang halaga mo sa edad na 70, 80, 90 or 100 ang siyang madalas na tema ng ilang Hollywood movies.

Balikan natin ang ilang pelikulang tungkol sa pagtanda…

HARRY AND TONTO (1974)

This road movie directed by Paul Mazurky ay tungkol sa isang elderly widow and retired teacher named Harry Coombes (Art Cagney) na pinaalis sa kanyang Upper West Side apartment in New York City dahil ide-demolish na ito para gawing parking lot. Napilitan itong lumipat sa bahay ng kanyang anak sa suburbs. Pero mas pinili ni Harry na mag-travel cross country kasama ang kanyang pet cat na si Tonto. Sa kanyang pagbiyahe ay marami siyang nakilalang tao tulad ng isang Bible-quoting hitchhiker, underage runaway, food salesman at isang hooker. Nakulong pa siya kasama ang isang Native American. Nagawa rin niyang mabisita ang dalawa niyang anak at ang former girlfriend niya na hindi na siya naaalala. Noong mamatay si Tonto, muling nag-iisa ulit si Harry, pero nakahanap siya ng isang pusa na kamukhang-kamukha ni Tonto na sinusundan siya. Nanalo rito si Cagney ng best actor sa 1974 Academy Awards. Ang pusang si Tonto ay nanalo ng PATSY Award for best animal performer in a feature film.

ON GOLDEN POND (1981)

Based on the play of the same name by Ernest Thompson, this American drama directed by Mark Rydell ay tungkol sa isang aged couple na sina Norman (Henry Fonda) at Ethel (Katharine Hepburn) na nagbabakasyon sa kanilang New England vacation home na kung tawagin nila ay Golden Pond. Ang kanilang anak na si Chelsea (Jane Fonda) ay may long-strained relationship sa kanyang amang maysakit at nais niyang maayos ito bago pa mahuli ang lahat. Nanalo ito ng limang Oscars sa 54th Academy Awards, kasama rito ang Best Picture, Best Director, Best Screenplay, Best Actress for Hepburn at Best Actor for Fonda, who are age 76 was became the oldest best actor winner ng Academy Awards.

COCOON (1985)

Directed by Ron Howard, ang American science-fiction fantasy comedy-drama film na ito ay tungkol sa isang grupo ng elderly people sa isang retirement home na nabigyan ng kakaibang lakas ng katawan dahil sa powers ng mga aliens na nagpanggap bilang mga tao. Bida rito sina Don Ameche, Wilford Brimley, Hume Cronyn, Brian Dennehy, Jack Gilford, Steve Guttenberg, Maureen Stapleton, Jessica Tandy, Gwen Verdon, Herta Ware, Tahnee Welch, and Linda Harrison. The film earned two Academy Awards for Best Supporting Actor (Don Ameche) and for Best Visual Effects. Nagkaroon ito ng sequel titled “Cocoon: The Return” in 1988, kunsaan bumalik ang original cast ng movie.

A TRIP TO BOUNTIFUL (1985)

This American drama directed by Peter Masterson, adapted by Horton Foote from his play of the same name, ay tungkol sa isang elderly woman na si Carrie Watts (Geraldine Page) during the post-World War II in the 1940s ay gustong bumalik sa kanyang hometown called Bountiful in Texas kunsaan siya lumaki. Sinamahan siya ng kanyang daughter at son-in-law sa pagbiyahe papunta ng Bountiful, pero matagal na palang nawala ang naturang lugar dahil sa Depression at giyera. Tinanggap na ni Carrie ang pagkawala ng Bountiful pero mananatili ang mga magagandang alaala niya sa lugar na iyon. Nanalo rito si Page ng best actress sa Academy Awards, Boston Society of Film Critics at Independent Spirit.

DRIVING MISS DAISY (1989)

Mula sa direksyon ni Bruce Beresford, this American comedy-drama is based on Alfredd Uhry’s play of the same name. Kuwento ito ng isang 72-year-old wealthy Jewish widow na si Daisy Werthan (Jessica Tandy) at ang kanyang 25-year friendship sa kanyang African-American driver na si Hoke Colburn (Morgan Freeman). Tinalakay din ng pelikula ang family relationships, religion, racism at ang pagkakaroon ng dementia. “Driving Miss Daisy” won four Oscars at the 62nd Academy Awards: Best Picture, Best Makeup, Best Adapted Screenplay and Best Actress for Jessica Tandy na sa edad na 81, became the oldest best actress winner in the history of the Academy Awards.

THE WHALES OF AUGUST (1987)

Ang American drama na ito na dinirek ni Lindsay Anderson ay pinagbidahan ng Hollywood legends na sina Bette Davis and Lillian Gish bilang magkapatid na hinihintay na lang ang pagtatapos ng kanilang buhay. Sa isang lumang bahay na malapit sa dagat nakatira ang magkapatid na sina Libby (Davis) at Sarah (Gish), parehong biyuda at may kanya-kanya silang mga pagkakamali sa isa’t isa. Pero nanatili pa rin silang magkasama hanggang sa huli. Ito ang naging huling pelikula nila Davis, na nakilala bilang isa sa greatest Hollywood actresses for 40 years at Gish, na nagreyna noong silent films era. Nanalo sa pelikulang ito si Gish ng best actress sa National Board of Review.

THE STRAIGHT STORY (1999)

Ang biographical road drama na dinirek ni David Lynch ay base sa true story of Alvin Straight, isang elderly World War II veteran na bumiyahe mula Iowa to Wisconsin in 1994 sakay ng isang lawn mower tractor para mabisita ang kanyang kapatid na na-stroke. Gusto ni Alvin na maayos na ang anumang hidwaan nila sa isa’t isa bago pa mahuli ang lahat. Bumiyahe si Alvin ng higit 240 miles. Ang gumanap na Alvin Straight na si Richard Fransworth ay nakatanggap ng best actor nomination sa Academy Awards sa edad na 80. Na-nominate ang movie for a Palm d’Or sa 1999 Cannes Film Festival.

THE HUNDRED-YEAR-OLD MAN WHO CLIMBED OUT OF THE WINDOW AND DISAPPEARED (2013)

This Swedish comedy directed by Felix Herngren based on the novel of the same name by Jonas Jonasson ay tungkol sa isang ageing man named Allan Karlsson (Robert Gustafsson) na mag-isa lang sa buhay at kasama lang nito ay ang kanyang pusa na si Molotov. Noong mapatay ang pusa niya ng isang fox, pinatay niya ang fox sa pamamagitan ng dinamita. Pinasok siya sa isang retirement home, pero nagawang tumakas ni Allan sa bintana at sumakay ng bus. Dito na nagsimula ang kanyang wild adventures sa iba’t ibang bansa kunsaan nakilala niya ang maraming tao at nasaksihan ang mga pagbabago ng mundo. The film was screened in the Berlinale Special Gala section of the 64th Berlin International Film Festival. The film was nominated sa 88th Academy Award for Best Makeup and Hairstyling.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy