Una sa Balita

Animam pinaypayan ang Lady Bulldogs

By
0 54

WALA pa ring talo ang titleholder National University sa 11 laro matapos kalusin ang Ateneo, 76-52, kahapon sa UAAP Season 81 women’s basketball tournament sa Ynares Center, Antipolo.

Kumana si reigning MVP Jack Danielle Animam ng 20 points, 10 rebounds at tatlong blocks para sa Lady Bulldogs na pinahaba ang kanilang pamama­yagpag sa 75 games winning run.

Tumikada si Congo star Rhena Itesi ng double-double na 14 puntos at 22 upang ilapit ang NU sa pagdiretso agad sa best-of-three championship.

Nagtala naman si Valerie Mamaril ng 17 markers, anim na rebounds at limang assists para sa Far Eastern University upang kalusin ang University of the East, 64-57.

Lumakas ang kapit ng Lady Tamaraws sa second spot ng team standings, hawak nila ang 8-3 karta.

Lamang ang FEU ang isang laro sa Adamson University (7-4) para sa bakbakan sa twice-to-beat semifinals incentive.

Nalaglag ang Lady Eagles at Lady Warriors sa 4-7 at 2-9 baraha, ayon sa pagkakasunod.