Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Animam mamaw kontra Duga Sabac

0 97

NAGPAISKLAB muli si Pinay cager Jack Animam sa First Women’s Basketball League of Serbia matapos kargahin ang Radnicki Kragujevac at talunin ang Duga Sabac, 81-72, nitong Sabado ng gabi sa Jezero Hall.

Halos perpektong laro ang ipinamalas ng former NU Lady Bulldogs superstar dahil swak ang13 sa 15 tira nito para tumapos ng 28 puntos.

Nagdagdag pa si Jack ng 15 rebounds, 6 assists, 5 blocks at 3 steals para wakasan ang kanilang 2-game slump.

Kasangga rin niya sa opensa si Minela Mehovic na nagsalpak ng 16 markers.

Pahinga muna si Jack at ang koponang Radnicki ng isang linggo at makakabangga nila ang Vrsac (1-2) sa susunod na Sabado. (Aivan Episcope)

Leave A Reply

Your email address will not be published.