Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Anim na sports, kinilala ng IOC

0 8

TULUYANG binigyan ng International Olympic Committee (IOC) ng pinakamataas na pagkilala ang anim na sports upang maging regular na miyemro at makasama sa mga pinaglalabanang disiplina sa kada apat na taong torneo.

Isa na dito ang International Federation of Muaythai Associations (IFMA) na kasama ang limang iba pa ay nakamit ang full recognition bilang international federation na magiging bahagi ng internasyonal na asosasyon sa ginanap na 138th IOC session sa Tokyo.

“Muaythai has received the highest possible recognition at the in 138th IOC session Tokyo. Congratulations to the millions and millions of Nak Muay around the world. A historical day for muaythai as a cultural art form and sport,” pasasalamat ng IFMA at Muay Association sa Pilipinas.

Ang limang iba pang sports na nakatanggap din ng IOC recognition ay ang International Cheerleading Union (ICU), International Sambo Federation (FIAS), International Federation Icestocksport (IFI), World Association of Kickboxing Organisations (WAKO) at ang World Lacrosse (WL). Lito Oredo

Leave A Reply

Your email address will not be published.