Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Angpao at ‘di apo: Kris iniyabang regalo ni Joshua

0 202

Matapos manahimik ng ilang araw, balik Instagram si Kris Aquino.

At bongga, dahil mas masaya, nakakaaliw ni Kris ang nakita ng kanyang mga fan.

Nagpahaging na rin siya sa inimbentong tsismis na kesyo nakabuntis ang panganay niyang si Joshua kaya nasa Tarlac. Pinakita ni Kris ang regalo sa kanya ni Josh na bedroom slippers.

“Gift ni Kuya Josh? Sorry hindi apo – he gave me cash in a lucky red envelope- an angpao.

“Like any parent, initially nung pinakita sa kin yung YouTube fake news about Kuya, nagalit ako… Then pinanuod ko ang kumpareng @ogie_diaz ko sa vlog niya, and may tumatak sa akin- Ogie said words to the effect na “hindi naman natin tinatanggal ang posibilidad na maging tatay ang panganay ni Kris” and doon ako nahimasmasan.

“Thank you pare, for all the years that Kuya Josh, because he is in the autism spectrum, was made a punching bag on social media just because it was convenient when people wanted to play dirty politics, you made me feel that you saw him as a human being with the same right to love and be loved like everyone else… many parents who raised or are raising children with special needs will identify with me… we know the challenges & we celebrate the victories. Kuya’s desire for independence now is a WIN!
“Tanggap namin na malabong mangyari for Josh to have a wife & children. Pero marunong talaga ang langit… binubuhusan sya ng sobra- sobrang pagmamahal ng lahat ng mga pinsan ko at kapitbahay nya ngayon sa Tarlac because his HEART is pure and his affection is REAL.”

***

Tetay uminit ulo sa future jowa ni Bimby

And then, sa next IG post ni Kris ng video nila ni Michael Leyva, na kung saan ay dinalhan siya nito ng lechon, marami talaga ang naaliw, dahil ngayon pa lang ay pinag-uusapan na nila ni Bimby ang tungkol sa magiging future wife nito, at mother in-law.

Sabi ni Kris, masuwerte ang magiging asawa ni Bimby, dahil ang gagamitin nitong engagement ring ay singsing na mula pa sa tatay niyang si Ninoy Aquino, na binigay nga kay former President Cory Aquino, na ipinasa na sa kanya.

Pero bago `yon, napag-usapan muna ang tungkol sa masarap na lechon na bigay sa kanya ni Michael Leyva. Na sabi ni Kris, dapat daw ang future mother in law ni Bimby ay bigyan siya ng…

“Dapat they should like me…” sey ni Kris.

“So, future mother in law, get her, lechon and flowers,” sabi ni Bimby habang nakatingin sa harap ng kamera.

SM food to go Banner Ad

“Basta I want lang that my future balae should be, religious.

“Gusto ko `yung girl, I want sana na… she has adore you,” sabi ni Kris kay Bimby.

Iginiit ni Kris na hindi naman siya titira kasama ang asawa ni Bimby. Pero say ni Bimby, dadalaw sila kay Kris 3 times week. Na ayaw ngang paniwalaan ni Kris.

Pero, sey ulit ni Bimby, ‘she will’ para raw tingnan ang mga mamahaling bag ni Kris.

“Wag kang ganiyan! Ewan ko sa iyo? Hindi ko na siya magugustuhan kung gusto ka lang niya for my bags!” sey ni Kris.

Pero sey ulit ni Bimby, pupunta lang para makita ang mga bags.

“No! Let’s end this. Uminit ang ulo ko!” sabi ni Kris.

“Pero, that girl will already be the luckiest girl in the world, because her engagement ring will bet the engagement ring na binigay ng dad ko sa mom ko!

“May historical significance, so huwag na siyang umasa for anything more. Kasi priceless `yon, dahil part `yon ng Philippine history,” sabi ni Kris.

At siyempre, napa-‘yeah’ na lang si Bimby.

Pero, kaaliw talaga ang chikahan ng mag-ina, na siguradong patok kapag nagkaroon silang dalawa ng show. Parang si Bimby nga lang ang nakakasabay sa talino, tapang ng kanyang ina.

Kayang-kaya ni Bimby na maglabas ng opinion niya na hindi masasaktan ang kanyang nanay.

Well…

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.