Una sa Balita

Angola coach Voigt saludo sa ‘Pinas

0 411

SALUDO si Angola coach Will Voigt sa pinakitang fightback ng Gilas Pilipinas sa huling laro sa Group D ng FIBA World Cup sa Foshan, China nitong Miyerkoles.

Nilusaw ng Filipinos ang 12-point lead ng Angola sa second half, itinabla ang regulation sa 73-73 para makapuwersa ng overtime.

Sa extra session, kumapit ang Angola sa 84-81 panalo tungo sa 1-2 card sa Group D. Nabaon sa 0-3 ang Pilipinas.

“It got interesting in the end. Credit to the Philippines for battling back,” ani Voigt. “We controlled the game but they came back.”

Sa fourth, umiskor ng putback si Japeth Aguilar at pumasok ang unang 3-pointer ni RR Pogoy sa torneo bahagi ng 13-4 run ng Filipinos para agawin ang lead 67-65 kulang 4 minutes pa.

Outrebounded pa ng Gilas ang Angola 53-50. Kumalawit ng 12 boards si Andray Blatche, 7 kay CJ Perez. May tig-5 rebounds din sina Kiefer Ravena, Aguilar at Pogoy.

“We just couldn’t really rebound in the second half,” bulalas ni Vogt.

Anim na players ni Voigt ang umiskor ng double digits sa pangunguna ng 20 ni Valdelicio Joaquim. May combined 33 points sina Jacques Conceicao, Carlos Morais at Reggie Moore, nagdagdag ng double-double na 12 points at 15 rebounds si Yanick Moreira. (VE)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More