Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Angkas na bebot, tigok sa trak

0 176

Nasawi ang babaeng backrider habang sugatan ang kasama niyang rider matapos masagi ang sinasakyan nilang motorsiklo nang nakasabay na truck kamakalawa sa Malate, Maynila.

Hindi na umabot ng buhay sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang si Jennifer Bulong, 45, ng 43 Sta. Maria St., Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Sugatan naman ang driver ng motorsiklo na si Nonie Luig, kalugar ng nasawi.

Sa imbestigasyon ng Vehicle Traffic Investigation Section (VTIS) ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), alas-11:50 ng umaga nang maganap ang aksidente sa southbound lane ng Taft Avenue, kanto ng Pedro Gil St., sa Malate.

Sa pagsisiyasat ni PCpl Ron Henry Gemzon, bago ang aksidente ay sakay ang mga biktima sa motorsiklo na may MV File Number 1801-0281332 at binabagtas ang southbound lane ng Taft Avenue kasabay ang truck na minamaneho naman ni Villadarez.

Pagsapit sa kanto ng Pedro Gil St., ay bigla na lang umanong nagkasagian ang dalawang sasakyan dahilan upang tumilapon ang mga biktima. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.