Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Angkas na bebot, 2 beses binaril sa likod

0 40

Patay ang isang babae matapos itong pagbabarilin habang nakaangkas sa motorsiklo sa Batangas City, Lunes ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Mary Ann Pupuli na idineklarang dead on the spot.

Sa report ng Batangas City police, nakaangkas si Pupuli sa motorsiklong minamaneho ng kanyang ka-live in nang mula sa likuran ay pagbabarilin ng isang suspek na sakay sa nakabuntot na motorsiklo.

Nagtamo ng dalawang bala sa likod at nasawi na ang babae bago pa man maisugod sa ospital.

Tumakas naman ang di nakilalang suspek na nakaitim na jacket, helmet at maong pants.

Hindi pa matiyak ng pulisya kung ang biktima ang mismong target o ang ka-live in nito. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.