Una sa Balita

Angkas, JoyRide pinalobo ng DOTr

0 248

KASABAY ng pagpatuloy ng operasyon ng Angkas, JoyRide at Move It, ay nagkasundo na ring dagdagan pa ang bilang ng mga papayagang bibiyahe.

Ito ang kinumpirma ni Technical Working Gruop (TWG) chairman at Land Transportation Franchi­sing and Regulatory Board (LTFRB) board member Antonio Gardiola matapos ang pagdalo nito sa pagdinig ng House Committee on Transportation ukol sa usapin ng motorcycle services.

Ayon kay Gardiola, tuloy muna ang pilot testing sa motorcycle taxis hanggang buwan ng Marso habang patuloy na binabalangkas pa ang batas na gagabay sa kanilang operasyon.

Bukod dito, nagkasundo na ring itaas na sa 15,000 mula sa 10,000 ang biker o papayagang bibiyahe para sa bawat service provider. Bukod sa Cebu, tig-3,000 rider ng bawat ride-hailing firm ang papayagan sa Cagayan de Oro City.

Kasabay nito, sinabi ni Gardiola na nakasundo ring babawiin ng Angkas ang kasong isinampa laban sa DOTr at wala rin umanong huhulihin sa mga Angkas, JoyRide at Move It driver.

“We agreed that all cases filed against the TWG will be withdrawn. They agreed on that. And during the period of the study, no cases will be filed, contraining the TWG on some aspects, especially on the guidelines,” ayon kay Gardiola.

Sinabi naman ni Transportation Committee Chairman Edgar Mary Sarmiento, ipagpapatuloy ng DOTR­-TWG ang kanilang pagdinig sa operasyon at guidelines para sa babalangkasing batas.

Ayon pa kay Sarmiento, iisa lang naman ang layunin ng lahat ng ito at ito ay mabigyan ng ligtas at maayos na alternatibong transportasyon ang riding public. (Eralyn Prado)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More