Una sa Balita

Angkas, JoyRide kolorum na

0 299

INIREKOMENDA kahapon ng inter-agency Technical Working Group (TWG) ng Department of Transportation ang pag-terminate ng pag-aaral sa operasyon ng mga motorcycle taxi.

Ayon kay TWG chairperson at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) board member Antonio Gardiola Jr., isinumite na nila ang rekomendasyon sa Kongreso at inindorso ito ni Transportation Secretary Arthur Tugade.

“We submitted our recommendation to Congress this morning. This was favorably endorsed by our secretary, Secretary Arthur Tugade,” pahayag ni Gardiola sa panayam ng mga reporter sa Senado.

Paliwanag ni Gardiola, ang legal case na inihain ng isa sa tatlong mga player ang dahilan ng pag-atras ng kanilang pag-aaral.

“Parang magulo e. We are resorting to legal rigmarole sa nangyayaring ito. Bale nag-file sila ng kaso so nai-impede ang study,” sabi ni Gardiola.

“We cannot gather data because of actions being taken by one of the players so it is better to terminate it,” sambit pa nito.

Dahil na-terminate na ang pag-aaral, lahat ng motorcycle taxi ay makukunsidera nang iligal at hindi na papayagan pang makapag-operate.
“Illegal silang lahat kasi they are dra­wing their authority to run motorcycle because of the study. We know there is a law covering this, Republic Act 4136, it says that motorcycles are still considered as a private mode of transportation,” sabi ni Gardiola.

Sisimulan na rin umano nilang mag-aresto sa mga lalabag sa susunod na linggo.

“A week from now, we just submitted the report to Congress, we will start enforcement already,” saad pa nito.

Kinastigo naman ni Senadora Grace Poe si Gardiola matapos itong magdesisyon na i-terminate na ang pilot study para i-assess ang safety ng motorsiklo bilang uri ng public transportation.

“Dito sa nagiging desisyon niyo e mas­yadong nape-pressure ang Kongreso na kailangan nang ipasa ang batas na kulang pa ang datos natin,” pahayag ni Poe, chairman ng Senate public services committee sa pagdinig kahapon.

“Gusto natin talagang magpasa ng batas pero dapat base sa pag-aaral at hindi naman kami eksperto dito kaya kami ay umaasa sa inyo dahil kayo ang may mandato na gumawa ng pag-aaral na ‘yan,” dagdag pa nito.

Nabatid na bahagi ng report ng TWG ay ipa-blacklist ang Angkas dahil pumasada sila sa mga lugar na hindi kasama sa pilot study. (Dindo Matining)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More