Una sa Balita

Angkas doble kara — DOTr

0 369

HINDI bumenta ang paghingi ng sorry ng Angkas sa inter-agency technical workin­g group (TWG) ng Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFR­B) na nagpapalakad ng motorcycle taxi pilot study na tinawag itong doble kara.

Nag-sorry man ang Angkas sa TWG, naghain naman ito ng petisyon sa Quezon City Regional Trial Court (QRTC) para mag-isyu ng temporary restraining order (TRO) laban sa paglimita ng TWG sa mga rider nito sa 10,000 lamang.

Dahil dito, tinawag na doble kara ng Department of Transportation (DOTr) at TWG ang Angkas dahil iba ang ginawa nito sa kanilang mga sinasabi.

Nag-sorry ang Angkas sa TWG noong January 8, 2020 at ang petisyon nito ay inihain noong January 6, 2020 kung saan pinaboran ito ng korte makaraang mag-isyu ng TRO sa loob ng 20 araw.

Ang TRO ay inisyu ni Judge Catherine Manodon ng QCRTC kung saan inatasan din ang Angkas na mag-post ng P1 mil­yond bond na kailangang bayaran sa loon ng 24 oras matapos na matanggap ang kautusan.

“Dito natin makikita na doble kara ang Angkas. Noong isang araw, nag-sorry sila sa harap ng media. Nangako na susundin nila ang guidelines at makikipag-usap sa gobyerno. Ngayon, nagpunta sila sa korte para i-challenge ang gobyerno. Kasama sa petisyon nila na tanggalin sa pilot study ang JoyRide at Move It,” sabi ni Transportation Assistant Secretary Goddess Hope Libiran.

Sabi ni Libiran, nagsisinungaling ang Angkas nang sabihin nito na ayaw nila ng monopolyo dahil pinatatanggal nito ang JoyRide at Move It sa pilot study. (Eileen Mencias/Dolly Cabrez/Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More