Una sa Balita

Angkas 6 na buwan pang haharurot

0 217

PINAG-AARALAN ng technical working group ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pagbibigay ng anim na buwan na extension sa pilot testing ng motorcycle taxi para makasali na rin ang ibang mga player.

Sabi ng Department of Transportation (DOTr) kahapon, matatapos ang implementation ng pilot program sa December 26, 2019 at nagsumite na ng mga rekomendasyon ang TWG na dedesisyonan na sa susunod na mga araw.

Ayon sa DOTr, dininig nito ang mga proposal ng anim pang motorcycle companies noong November 20, 2019 na umaasang kumalaban sa Angkas. Ito ay ang: Citimuber, JoyRide, MoveIt, EsetGo, Sakay at VroomGo.

Sabi ni LTFRB board member retired PMaj. Gen. Antonio B. Gardiola Jr.: “We also want to determine whether or not motorycles are really a safe and viable form of public transportation. That is always our priority—the safety, security, and comfort of the riding public.”

Sabi niya, ang pag-extend ng pag-aaral at pagsasama dito ng mga bagong motorcycle taxi provider ay magbibigay ng mas maraming mapagpipilian sa mga pasahero para umangat ang kalidad ng kanilang mga serbisyo.

June 2019 nang inaprubahan ang six month pilot run para mapag-aralan kung itutuloy ang ligali­sasyon ng motorcyles bilang public utility vehicles. (Eileen Mencias)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy