Una sa Balita

Angkan ng mga tulak, nalambat sa Marikina 

By
0 512

Arestado ang apat na magkakamag-anak at dalawang kasama pang tulak ng iligal na droga sa ikinasang drug buy-bust operation, kamakalawa nang gabi sa Barangay Tumana, Marikina City.

Batay sa report na nakalap mula sa Eastern Police District (EPD), naaresto sina Dimple Santos, 18-anyos; Ernie Santos, 20-anyos; Margie Santos, 23-anyos; Vangie Santos, 43-anyos; Vergilio Paguinto, 18-anyos at Georgie Mamis, 19-anyos sa isinagawang buy-bust operation ng mga miyembro ng Station Drug Enforcement Unit na pina­ngungunahan ni P/Insp. Greco Gonzales, kasama ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA-EPD).

Isinagawa ang buy-bust operation bandang alas-8:30 kamakalawa nang gabi sa Blk 43, Mais St., Barangay Tumana, Marikina City.

Matapos makabili ng isang pakete ng pinaghihinalaang shabu ang isa sa mga pulis na nagpanggap bilang poseur buyer kasama ang isang pulis asset, agad nagbigay ng hudyat ang pulis sa mga kasamahan nito upang tuluyag arestuhin ang mga nasabing tulak.

Matagal nang sinusubaybayan ng Marikina Police ang kilos ng mga suspek hanggang sa magpositibo sila sa iligal na aktibidad na magkakamag-anak.

Narekober sa mga suspek ang anim na pakete ng pinaghihinalaang shabu, P500 na ginamit bilang buy-bust money at isang coin purse.

Kasalukuyang nakakulong sa Marikina detention cell ang mga suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 26 in relation to Sec. 5 at Sec. 11 ng RA 9165 o Comprehensive Dange­rous Drugs Act.