Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

‘Anghel’ nakita sa tabi ni Nadine

0 87

Nagpapakita na ba ang anghel ngayon sa dating actress na si Nadine Samonte? Mula kasi nang mag-asawa si Nadine, mas naging full-time wife and mother na ito sa dalawang anak nila ng Mister.

Ang Mister ni Nadine ay si Richard Chua na anak ng actress na si Isabel Rivas. At ngayong man pandemic, sa farm ni Isabel sa Zambales na sila nag-stay.

Hindi napansin ni Nadine ang pinost niyang picture kunsaan, ang netizen pa ang nakapansin sa kanyang bonfire, may tila anghel na nag-form.

At bigla nga niyang naalala na during that bonfire, pinag-uusapan daw nila si God at sa nangyayari ngayon sa bansa na lang, marami raw silang mga tanong.

Sey ni Nadine, “I posted this picture sa latest post ko and last picture sya i didnt know na my figure ng angel until my nagcomment. I promise this is not edited. That night before napicturan to (true story) we were talking about God na madaming questions tayo sa kanya but we ended up telling each other na the answer will always be Him and well he definitely answered right away. Our God is amazing. In these times of trial we just have to have faith and never give up in our lives. Never give up in everything you do. Just trust in him and he will shine the light upon us. Lets always be a blessing to each other. We love you God. We love you Jesus.”

Siyempre, puwedeng nagkataon lang na naging hugis anghel nga ang usok mula sa bonfire. Pero marami ang namangha sa shinare na ito ni Nadine at the same time ay na-inspire at na-remind daw ng kanilang faith.

‘Kaligayahan ko si Lani’ – Bong

SM SuperKidsDay Banner Ad

Saksi ang publiko sa napakaraming pinagdaanan ng buhay mag-asawa nina Mayor Lani Mercado at Senator Bong Revilla, Jr.

Hindi lingid, lalo na sa taong-bayan ang mga pinagdaanan nila. At sinasabi nga, kakaiba ang tapang at tibay ng isang Lani Mercado.

At sa ginawang pagbati rito ni Senator Bong para sa ika-53rd birthday ng Mayor ng Bacoor ngayong April 13, inamin ni Bong na siya raw ang pinaka-masuwerteng lalaki sa sa buong mundo dahil ang Misis niya ay si Lani.

Aniya, “Happy birthday, Mama!

“I am the luckiest man in the world to have been blessed with you. You are my rock. You keep me sturdy and continuously show me the more important things in life, which is happiness with you and our family.

“Patuloy niyong kinukumpleto ng mga bata ang buhay ko, and you are my unending source of joy and happiness.

“I wish you more blessings so you will continue to be a blessing to others. I love you.”

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.