Una sa Balita

Anghel na naglilihab!

0 431

Ni Janiel Abby Toralba

KAPAG sinabing anghel, iisipin mo ang maputi, maaliwalas, maliwanag at magandang nilalang.

Maganda rin (o pogi!) at maaliwalas si Jeanette Panaga. Pero kakaiba siyang anghel, nagliliyab, lalo na tuwing nasa volleyball court.

Bilang isang PetroGazz Angel, gusto ni Panaga na ilipad muli ang koponan sa pamamagitan ng kanyang mainit na laro.

Ngunit sa labas ng court, kwela at natural na masayahin si ‘Pangs’ sa kanyang mga kasama.

Sa kanyang Instagram account, very stylish at ala-model ang 5’11” middle blocker sa kanyang mga post.

Hindi rin maitatago ang very sweet relationship nila ni F2 Logistics Cargo Mover Michelle Morente na halos every game ay present sa mga laro nito.

“Si Mich kasi kahit hindi ko sabihin, siya kasi ‘yung nag-aano na “magwa-watch ako ng game mo” then super supportive niya as a girlfriend na through ups and downs talaga mino-motivate niya ako, before game, parang “kaya mo ‘yan”, parang “i-give mo ‘yung best mo and you have to contribute para sa team” ayun,” litanya ng poging balibolista.

“Parang mas nai-inspire ako everyday sa training and lalo na sa games.”
Ilang araw na lang at muling hahataw si Panaga para sa PVL Open Conference kaya susulitin nito ang ilang araw para makapagpahinga.

“For now, rest muna kasi malapit na rin ‘yung Open Conference,
balik na naman kami sa trainin­g,” sabi pa ng multi-awarded volleybelle mula College of Saint Benilde.

Q&A

Abante: Sa tingin mo, ikaw ba ang lucky charm ng mga team para mag-champion ang mga ito?
Panaga: Hindi naman lucky charm kasi every trainin­g naman palagi pinaghihirapan, pinagpa­paguran naman namin ‘yun sa training.

Abante: Ano ang feelin­g na nakapag-champion ka kasama ang PetroGazz Angels?
Panaga: Happy ako ngayon na nakakuha na naman kami, for me, ng panibagong championship sa bagong team.

Abante: Maaasahan para sa Open Conference?
Panaga: Every team kailangan mong paghandaan, maging ready, for us, gusto namin talaga every game gusto naming manalo.

Abante: Sa tingin mo, kaya bang mag-medal finish ng National team sa SEA Games?
Panaga: For me, kakayanin naman kung lahat gusto, willing mag-sacrifice and willin­g magbigay for the Team Philippine­s.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy