Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Angels vs Mariners nauwi sa rambulan

0 71

NAGRAMBULAN sa 2-1 win ng Los Angeles Angels at Seattle Mariners nitong Linggo sa Anaheim, California.

Walo ang ejected mula sa magkabila.

Sa laro noong Sabado, napahagingan ng fastball ang ulo ni Halos center fielder Mike Trout. Kinabukasan, ginawang starter ng LA ang bihirang magamit na si reliever Andrew Wantz.

Sa first inning lang, ibinato ni Wantz ang ptich sa likod ng ulo din ni Julio Rodriguez at sa bukana ng second ay tinamaan na niya sa balakang si Jesse Winker.

Related Posts

Naglabu-labo na, anim na players at dalawang manager ng magkabila ang napatalsik sa laro.

“They switched (pitchers), put an opener in there to throw some balls at us. Got out of hand from there,” paratang ni Mariners manager Scott Servais.

Pagkatapos ng apat na minutong rambulan, 18 minutes pang na-delay ang laro. Ejected sina Wantz, closer Raisel Iglesias at reliever Ryan Tepera sa Halos, at sina Winker, Rodriguez at JP Crawford ng Mariners. (VE)

Leave A Reply

Your email address will not be published.