Una sa Balita

Angeline, umatras sa ‘KASAL’ kay Erik!

By
0 138

Single pa rin si Angeline Quinto ­ngayon at hindi raw nauwi sa anumang ­romantic relationship sa pagitan nila ni Erik Santos.

Kung pagbabasehan namin ang mga ­pahayag ni Angeline sa presscon ng pelikula nito sa Regal Films, ang That Thing Called Tanga Na, tila nagmamadali na si Erik at gusto na nitong mag-asawa.

At siya naman ay hindi pa ready sa ganitong senaryo. Bukod sa mas hindi raw ready ang Mommy niya na magkaroon din siya ng boyfriend man lang.

So, parang umatras na rin si Angeline sa ‘kasal’ kay Erik, ha! O sa magiging alok na kasal ni Erik.

Sa ngayon, okey lang naman daw siya kahit na wala siyang boyfriend dahil mas gusto raw niya talagang bigyan ng focus ang career niya.

Eh bukod nga sa singing career, magkasunod ang movie ni Angeline sa ­Regal. ­Bukod sa That Thing Called ­Tanga na ipapalabas na, tinatapos din niya ang movie nila ni Jake Cuenca.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy