Una sa Balita

Angeline Quinto nagprisintang maging dyowa ni Vico Sotto

0 1,468

Nangakong mas gagalingan pa ni Angeline Quinto ang kanyang pagti-TikTok para pumasa sa qualification sa hinahanap na babae ni Pasig City Mayor Vico Sotto.

Sa kanyang tweet, ipinaskil ng Birit Diva ang larawan ni Vico at ang mga nakasulat na qualities na hinahanap nito na: “Gusto ko sa isang babae yung mahilig kumain, at medyo kalog, lalo na yung NAGTITIKTOK. Tumatanggap na po ako ng mga aplikante ngayon.”

Sa kanyang mensahe nagparamdam ng interes na sumali si Angeline.

“Mayor Vico, hayaan niyo po mas gagalingan ko pa pong mag TikTok para siguradong pasado ako,” sabi ni Angeline.

***

Hindi nahawa kay Boyet: Kim, Xian nagpapalakas ng katawan

Malusog at walang anumang sistomas ng COVID-19 si Xian Lim, pati na si Kim Chiu. Parehong nagposte ng kani-kanilang mga video sa Instagram ang dalawang bida ng “Love Thy Woman”.

Si Xian ay gamit-gamit ang isang roller sa kanyang push up, samantalang ipinapakita naman ni Kim ang padya-jumping rope niya.

Nalagay sa alanganin ang dalawa nang malaman na positive sa COVID-19 si Christopher de Leon. Sa mga oras na ito ay nakalabas na ng ospital si Boyet.

Kumalma ang mga fan nina Kim, Xian sa nakikita nilang health condition ng kanilang mga idolo.

***

Yassi, Issa pinakain ng sandwich ang mga sundalo

Ilang araw na lang at matatapos na ang self quarantine ng magkapatid na Yassi Pressman at Issa Pressman. Habang naghihintay na matatapos ang isolation period ng magkapatid, gumawa sila ng maraming sandwich na ipinamimigay sa mga frontliner tulad ng mga sundalo, araw-araw.

Makikita sa video na pinoste ni Yassi ang maraming sandwich na ginawa nila, na pawang organic ang mga veggies na ginamit.

Ilan lang sina Yassi at Issa sa mga celebrity na sa kanilang maliit na pamamaraan ay nagbabahagi ng kanilang tulong at suporta sa mga frontliner.

***

Ulap, hangin luminis sa lockdown

Nagbigay ng ngiti sa kanyang mga follower ang broadcast journalist na si Raffy Tima nang i-tweet niya ang nakunang larawan mula sa mataas na palapag ng Kapuso building.

Makikita sa tweet ni Raffy ang ang panoramic view ng ilang bahagi ng Luzon. Nakuhanan ng lente ni Raffy ang Mt. Samat at ang 1,821 feet na Memorial Cross Shrine sa Bataan.

Isa si Raffy sa mga netizen na may mga kuha nang a ganitong view para ipakita ang pagkakaroon nang magandang resulta ng lockdown sa kalikasan partikular na ere.

Dahil sa lockdown nabawasan ang pollution at luminaw ang ere, na siyang nagpalabas ng ilang views na hindi nakikita dahil sa pollution.

***

Frankie sinalag ang panlalait kina Sharon, Kiko

Nakiusap ang panganay nina Sen. Kiko Pangilinan at Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan sa kanyang mga basher na huwag idamay ang kanyang mga magulang sa galit ng mga ito sa kanya.

Sunud-sunod ang tweet ni Frankie na ipinapaintindi sa mga follower na sa kanya na lang ituon ang galit ng mga ito at huwag sa kanyang parents.

Heto nga ang sunod-sunod na tweet ni Frankie:

“You probably know this by now but just reminder that my personal convictions don’t reflect the rest of my family’s views and vice versa.”

“I’m a whole woman with a brain, ok?”

“like still growing up and def still learning but don’t come for my parents or my family if you disagree with me because I’m the one who should be held accountable for my own choices and actions and I’m committed to growth so yes love u just wanted to put that out there.”

Kilalang oposisyon si Sen. Kiko, at `yon ang matinding dahilan kung bakit nakukuyog ng mga maka-administrasyon ang mga ito.

Abante – Wendys Inhouse Ad

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More