Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Angeline ‘napikon’ kay Vice Ganda

0 156

Nauwi sa pikunan ang asaran nina Angeline Quinto at Vice Ganda sa “Tawag Ng Tanghalan” sa “It’s Showtime” kamakailan lang. Nakakatawa rin kasi ang palitan nila ng salita kaya sey ng maraming netizen, dapat gawin nang regular hurado si Angge sa singing contest.

Sa isang “TNT” episode kasi, pinagtatawanan ni Vice si Angeline habang nagbibigay ito ng kanyang mga komento sa isang contestant.

Ang taray raw kasi ng English ni Angeline sa pagsabi niya ng “great job” na may kasunod na buntong hiniga, kaya inasar siya ni Vice na nilista pa raw niya ito at pinaghandaan na ikomento.

Doon nga nairita at nagtampo si Angeline na rumesbak ng “Daot ka talaga!”

“Uy te, minsan lang ako mag-Ingles. Pagbigyan mo na ‘ko. Nakakainis ka, parang ang perfect mo,” sabi niya kay Vice habang nagulat at nagtawanan ang ibang mga host.

Syempre, laging ready si Vice sa mga hirit at sanay na ito sa asaran. “Hindi mo na-receive ‘yung memo? Dineclare na ng society. Perfect ako talaga,” sabi pa ni Vice.

Well, dahil nga close sila, kaya kahit magkapikunan sila, sandal lang `yon, at lagi silang game sa masayang asaran.

“Angeline Quinto is a mood! Make her regular, It’s Showtime. Magaling siya maghurado,” sabi ng YouTube user na si Call Me Kendy.

“Sana maregular na si Angeline kaka-good vibes. Iba ang rapport nila ni Vice. Great job,” sabi ni Relmo Rivera. (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.