Una sa Balita

Angeline nanghingi ng mamahaling sapatos kay Regine

0 566

Nag-post si Songbird Regine Velasquez ng photo ng kanyang legs na suot ang isang napakaganda, bonggang-bonggang shoes.

Of course, mamahalin ang sapatos, na sa itsura pa lang, alam mong ginastusan talaga. Pinost ni Regine ‘yon para pasalamatan ang @madelovelux.
At siyempre, sangkatutak ang nag-comment, at isa na nga rito si Angeline Quinto.

“Ang ganda Ms. Reg ang sarap po siguro ng may Gucci na sapatos ano po? Hahahahahahha! Bekeneeemeeennnnnnn po. Hahahahaha!” sabi ni Angeline na pinaulanan din ng sangkatutak na emoticons na tumatawa.

Sa himig ng mensahe ni Angeline, tila umaarbor nga siya ng mamahaling sapatos kay Regine. Pero, sa mga oras na ‘yon ay wala pang sagot si Regine.

Pero knowing Regine, ang dami na kaya niyang nabiya­yaan ng mga mamahalin niyang gamit. May mga fan nga na inambunan din niya ng sapatos, eh.

So, baka wala pa lang siyang time sagutin si Angeline. O baka nahihiya siyang ipaalam sa lahat na bibigyan, o tutuparin niya ang wish ni Angeline, ha!

Pero, knowing Angeline rin, na palabiro talaga. At sa rami ng raket niya, alam naman nating kayang-kaya niyang bumili ng kahit ilan pang mamahaling sapatos, ha! (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More