Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Angeline minura ang mga kalaban ng channel 2

0 1,909

Malutong na mura ang pinakawalan ni Angeline Quinto para sa mga Kongresista na bumoto, pumabor na huwag bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Hindi man niya tinukoy kung sino talaga ang minura niya, pero obyus naman na sa takbo ng tweet niya ay ang mga kalaban ng Kapamilya network ang pinariringgan niya.

“Hindi aq perpektong tao. Nasasaktan po aq. Hihingi napo aq ng tawad sa inyo. Putang ina! ginawa niyo sa aming lahat!” tweet niya.

Sabi ni Angeline, hindi pa nga raw siya nakaka-move on sa nangyari sa love life niya, pinatay na naman daw siya.

Well, inintindi si Angeline ng mga fan niya sa ginawa niyang pagmumura sa social media.

Sabi ni@samluisapadilla; “Nagmumura lang naman si AQ kapag talagang agrabyado’t malungkot siya, kaya irespeto nalang po natin. We love you Queen.”

Hirit ni @SV_Teschen; “Kung pangulo nagmumura tayo pa kaya?? Ano yun sya lang marunong murahin tayo? Dapat nga sabay2x nating murahin lahat ng Pulitikong nagpapahirap at tuta ng tsina!”

Well… (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.