Una sa Balita

Angelina Jolie maluha-luhang iniwan ang anak sa SoKor

0 332

Pinagkaguluhan ng mga estu­dyante, mga fan, ang Hollywood actress na si Angelina Jolie sa South Korea. Eh kasi nga, personal na hinatid ni Angelina ang anak niyang si Maddox sa Yonsei University, Seoul, South Korea, kung saan ay mag-aaral ang binata.

Bongga nga ang anak ni ­Angelina, na papasok na nga bilang freshman sa ‘biotech engineering’. Sa isang dorm sa Yonsei titira ang binata.
Anyway, makikita nga na pigil na pigil ang pag-iyak ni Angelina nung iiwan na niya ang kanyang anak sa dorm nito.

“I know, I’m trying not to cry,” sabi pa niya.

Siyempre, naglabasan din ang mga photo, video na kung saan ay marami ang lumapit kay Angelina para magpa-selfie.

“Waaahhhh sana all! Angie with a fan #AngelinaJolie,” sabi ng isang Pinoy fan.

Marami naman ang ­nagsasabi na sobrang mahal na ­mahal ni Angelina si Maddox. Dahil ito raw ang nagpa­bago ng kanyang buhay.

kcmn00; “Maddox is the reason Angelina left her dark past behind her. Motherhood changed her, and made her a better woman.”

peacelife; “Wow he chosed Yonsei Korea school? Pretty cool! He is the celebrity there now but I can tell that he is very humble. School oversea is much safer too. Korean has very cool culture, and the food omg. Cant wait to see what’s next for the kids.”

Rachel_Rebel_Makeup; “Angelina hasn’t looked this good in years. It’s good to see her smile. Brad has been looking healthy & happy as well. Maybe the divorce was good for them.”

Ang bongga naman, di ba? Na kahit ikaw na ang pinakasikat na babae sa ­buong ­mundo, pagdating sa pagiging nanay, ­pantay-pantay pa rin ang pakiramdam.

Kumbaga, hindi mo na iintindihin kung gaano ka kasikat, dahil mas mahalaga pa rin ang papel mo bilang isang ina. (Dondon Sermino)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy