Una sa Balita

Angelika pinaulanan ng mga death threat, kaso

By
0 976

Tahasang sinasabi ni Angelika dela Cruz na wala siyang plano (kung sa ngayon ang pag-uusapan) na tumakbo pa sa higher post. Kasalukuyang Kapitana si Angelika sa Longos, Malabon.

Ika-2nd term na niya pero 1st term pa lang, sandamakmak na kaso na raw ang ibinabato sa kanya at death threats.

Sabi nga niya, “Akala kasi nila porke’t artista ko, ginagamit ko ‘tong pagtakbo ng pagiging Kapitan para tumakbo sa higher position. Eh, hindi naman talaga. Hindi ako power hungry, ‘no!”

Sabi nga ni Angelika kung power hungry raw siya e, ‘di sana tumakbo na siya sa higher post agad.

Actually, accidental lang din ang pagkakapasok niya sa politika. Itinuloy lang din niya ang legacy ng kapatid na namatay na si Edward dela Cruz.

Naniniwala raw siya na hindi naman kailangang maging kapitana para maka­tulong. Kahit noong hindi pa siya kapitana, nakakagawa na siya ng mga charity works.

Eh napaganda ng bongga ni Angelika ang barangay nila. Kaya hindi malayong baka mas pag-initan pa siya ng posibleng naiinggit din sa kanya. Pagkakita namin sa Barangay Hall ng Longos,­ Malabon talaga namang akala mo City Hall. Nasabi talaga naming suwerte ng mga taga-Longos. Kumpleto ang Barangay in-terms of health center, day care center, covered basketball court, function hall at may libreng burolan pa! Kasalukuyan namang itinatayo ang 4-storey disaster building.

Natuwa at na-proud kami kay Angelika na sa ikalawang termino pa lang niya bilang kapitana e, nagawa niya lahat yun.

‘Yun pala, pag-upo pa lang daw niya, talagang ina­yos na niya lahat ng papel. Ipinanghingi rin daw niya at tahasang sinabi na abono siyang talaga magawa lang.

Kahit may bagong sitcom ngayon, ang “Daddy’s Gurl” kunsaan, first time raw niyang magsi-sitcom at first time rin makasama sina Vic Sotto at Maine Mendoza, posible raw na may bago na siyang simulang serye sa GMA-7 this month.

 

Female singer saksakan ng bastos

Gusto na naming maniwala na may hindi nga pala kagandahang manners ang female singer na in fairness, isa sa mga baguhang singer ngayon. Una naming narinig ang kuwento nu’ng mapansin na sa isang awards night, habang nagsasalita ang isang maituturing na veteran at respected singer sa natanggap na award at halos lahat ay all-ears at all-eyes dito, si female singer raw ay walang modo na ‘di tumitigil sa kakalikot sa cellphone niya.

Pero napangalawahan pa ang nakarating na kuwento sa amin sa isang malaking company event kunsaan, isa si female singer sa na hire na mag-perform, total turn-off daw ang mga empleyado kay singer.

Aba, pagkatapos daw kumanta ng tatlong kanta, ni ha, ni ho o kahit konting pag-acknowledge sa nag-imbita sa kanyang kumpanya ay dedma. Ni hindi rin daw nagpa­salamat o nagpaalam sa audience.

Hindi naiwasang ikumpara si female singer sa ibang performers na kasama niya rin sa naturang event.

Baka naman nalilito o natataranta si female singer dahil may mga iba’t ibang ganap pati sa personal niya, huh!

 

Sunshine palaban sa mga kakampi ni Cesar

Walang pinapalampas si Sunshine Cruz lalo na kung may nagre-react regarding her ex-husband, Cesar Montano. Eh, finally naglabas na ng statement si Cesar sa pamamagitan ng kanyang bff na si Dolly Anne Carvajal.

Taliwas kay Sunshine na nang lumabas ang annulment nila ay talagang nagpakita ng sobrang kasayahan, gayundin ang tatlong babaeng anak. Sa part ni Cesar, mas gusto raw nitong ‘wag na lang magsalita pa para na rin sa tatlong anak nila.

At wish niya na through what happened to their marriage, maging mabubuting tao pa rin sila.

Sinagot ni Sunshine sa Facebook account niya, partikular na ang columnist. Ipinaalala rin ni Sunshine rito kung natatandaan na dati ay minessage niya.