Una sa Balita

Angelica, Zanjoe naghamunan na maging magdyowa

0 688

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyNaging intriguing sa entertainment press, media at bloggers ang naging tuksuhan at palipad-hangin nina Zanjoe Marudo at Angelica Panga­niban tungkol sa posibilidad na ma-develop sila sa isa’t isa at maging totohanan ang kanilang team-up sa lalabas nilang serye, ang , na ipapalit na iiwang timeslot ng ‘Sana Dalawa Ang Puso Ko’ bago mag-It’s Showtime.

Nagkatuksuhan sina Zanjoe at Angelica na animo ay naghahamunan na magkaroon na sila ng romantic relationship.

Natanong kasi sina Zanjoe at Angelica kung kanino nila idi-dedicate ang kantang “I Love You More, Today Than Yesterday” na theme song ng romcom na cover version ni Nyoy Volante.

Nagkatinginan muna sina Angeli­ca at Zanjoe bago nagsalita ang aktor. Nagbiro si Zanjoe na kay Angelica na lang niya idi-dedicate ang kanta.

“Sa’yo na lang, sayo ko na lang idi-dedicate ha!” say ni Zanjoe.

Sumagot naman si Angelica na, “Sige.”

Patuloy ni Zanjoe, “Tutal wala pa naman tayong special someone.”

“Oh sige,” sey naman ni Angelica.

Sabi pa ulit ni Zanjoe, “Totoo naman, every taping mas nila-love naman kita.”

Bulalas ni Angelica na tila kinilig, “Ay, shit!”

“Oh, sige, e di yun na rin,” na ang ibig niyang sabihin ay kay Zanjoe na rin niya idi-dedicate ang kanta.

Tumawa si Zanjoe habang patuloy na nagsalita si Angelica.

“Siyempre pag ni-love mo na ako…naku po, Diyos ko! Mas maalagaan ka nang husto. Sinasabi ko na sa ‘yo.

“You will love me more talaga. I will make sure you always feel the love…more and more,” say pa rin ni Angelica.

Nang mausisa pa nang husto tungkol sa biruan, sinabi ni Zanjoe na ready na ulit siyang magmahal at masaktan.

Sagot naman ni Angelica, ‘bahala’ na lang daw, na ang ibig niyang sabihin ay tignan na lang kung meron ngang sisibol sa kanilang dalawa ni Zanjoe.

Dahil sa mga palipad-hangin na harutan nina Angelica at Zanjoe, hindi maiwasang kiligin ang mga press at mga co-stars nila na nasa loob ng Dolphy theater nung Miyerkoles nang gabi.

Parang nasa isang sabong sina Angelica at Zanjoe na maraming nagmi-miron sa kanila na nagsasabing meron ngang sweetness sa dalawang Kapamilya big star.

 

Monsour ayaw  maging kontrabida

 

Nililinaw ni Makati 1st District Rep. Monsour Del Rosario na hindi si Coco Martin ang tinanggihan niyang makasama kundi ang role na inalok sa kanya sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Naging controversial ang naunang statement ni Monsour dahil sa titulo ng ibang media na parang sinasabing tinanggihan ni Monsour si Coco na makasama sa pinagbibidahan nitong action serye.

Sa pocket interview para sa ilang cast ng ‘The Trigonal’ na kinabibila­ngan ni Monsour at dinaluhan din nina Rhian Ramos at Wu-Shu artist na si Sarah Chang, sinabi ni Cong. Monsour na makakaapekto sa kanyang imahe at pagiging public servant ang inalok na role ng ‘Probinsyano’.

Kahit daw sinong public servant ay hindi tatanggapin ang offer na makakaapekto sa kanilang imahe. Kung sakali raw na wala na sa serbisyo si Monsour, posibleng ikonsidera niya ang mga ganitong role.

Anyway wala pang definite plan si Cong. Monsour sa susunod niyang hakbang sa political career niya. Hihintayin daw niya ang announcement ni Digong sa ga senatorial aspirant na isasama nito sa kanyang tiket.