Una sa Balita

Angelica umaming maligaya kay Cindy

JM, Carlo tablado na

By
0 6,250

Super saya ni Angelica Panganiban ngayon. Pero, hindi ‘yon dahil kina JM de Guzman, o Carlo­ Aquino.

Katunayan, babae ang nagpapasaya kay Angelica ngayon. At Cindy ang pangalan ng babaeng ito.

Pero, bago niyo isipin na tomboy na si Angelica, o may dyowa siyang lesbian, read muna niyo mabuti ang mensahe niya, ha!

“Ngayon na lang ulit ako naging ganito kasaya. Thank you @andoyranay mahal na mahal kita!!! Sure na ko ngayon. Mas mahal kita, kesa kay Cindy wala talaga kong ibang masabi kung hindi, mahal na mahal kita!!! Yun na yun! Pero kasi, NAMAN!!! Diba? @noelescondo ? Love and miss you both.”

Sagot naman ni Direk Andoy, “Oo!! Iba na ang ngiti mo neng!!! Deserve na deserve mo si Cindy dahil saksakan ka ng sipag. Enjoy each other. Mahal na mahal kita neng.”

Hirit naman ni @joviedbeauty “@iamangelicap pakatarayyyy!!!! Exci­ted na ako sa BINYAGAN!!! ninang ako!!! Dadala ako ng DELIcake sa sa­liw ng tugtuging perfect combination IMYBT!”

Yes, si Cindy nga ang kasamang pusa ni Angelica sa Instagram picture. At super aliw ang mga fan sa kaligayahan ni Angelica ngayon.

cheyannesantos “Yieee…pareho sila ng pet ni @1migueldeguzman ..@iamangelicap ..sana matagpuan nyo na yung mga taong karapat-dapat para sa inyo..i wish u guys both to be happy and find the love that u deserve. Go dbless u both.”

gabrielleismyfavename “Nakaka-happy yung smile at good vibes na dala mo ate. Iloveyoupo! God bless you!”

iloveterearagon “Mahal na mahal ka naming lahat! Maraming nagmamahal at humihiling na maging masaya ka.”

Well…