Una sa Balita

Angelica super tili, naloka sa paghuhubad ni Zanjoe

0 684

tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloyTrending ang Instagram photo ni Zanjoe Marudo kamakailan, na ang ginagawa lang naman niya ay naghihiwa ng pagkain sa lamesa. Pero ang na­ging dating kasi ng photo sa kanyang mga follower ay ang pagkauhaw at init sa larawan niya.

Nagmukhang katakam-takam si Zanjoe sa larawan na kahit ang ka-loveteam niyang si Angelica Pa­nganiban sa serye nila ay naligalig at hindi napigilan ang mag-react.

Paano naman kasi, ang pinosteng larawan ng Kapamilya actor sa IG niya ay wala siyang saplot sa pang-itaas, dahilan para lumabas ang kanyang abs at ang cut ng kanyang ba­lakang.

Pinakulo ni Zanjoe ang dugo ng mga kababaihan, kaba­dingan na mga follower niya, na kung maririnig siguro ang kanilang mga reaksyon sa mga sinulat nilang mga comment ay tumitili ang mga ito.

Si Angelica nga ay parang napasigaw sa kanyang comment.

“Nakakaloka!!!” say ng aktres.

Heto naman ang sey ng follower ni Zanjoe.

@whengcorpuz, “Dapat ganyan talaga pag naghihiwa? Nakahubad hahaha!”

Sumagot naman si Zanjoe na, “@whengcorpuz paano mo nasabi?”

In fairness, nagdulot ng kasiyahan si Zanjoe sa mga kababaihang supporter niya sa pagpapasilip niya ng kanyang ka-macho-han.

 

 Puwet ni Sheena, hita ni Glaiza nagkabugan sa IG

May gusto bang ipangalandakan sina Sheena Halili at Glaiza de Castro sa kanilang Instagram post o sad­yang nag-trip lang silang dalawa?

Naka-post sa IG wall ni Sheena ang larawan nilang dalawa ni Glaiza sa magkakaibang post habang naka-swimsuit sa Baler. Si Sheena ay nakatayo at semi-back angle na nagpalitaw ng kanyang puwet, samantalang hita naman ang inilabas ni Glaiza na nakaupo sa buhangin sa photo. Parang photo na kuha sa isang eksena sa acting project nila.

Pero ang intensyon marahil ng magkaibigan ay i-promote ang brand ng swimsuit na suot nila dahil sa hashtag nila rito.

Natuwa naman ang mga follower nina Sheena at Glaiza sa kanilang trip o pangangalandakan ng kanilang kaseksihan lalo at totoo namang maganda ang pigura ng dalawang Kapuso star. Ang hot naman kasi ng dalawang aktres sa kanilang po­sing.

Kung pagsasamahin sa isang sexy serye ang dalawa, may potential na makahakot ito ng rating.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy