Una sa Balita

Angelica super kilig kay Coco

0 374

Hindi pa man natatapos ang 2019, heto at naghahanda na agad ng malaking pasabog ang Star Cinema, ABS-CBN para sa isang bonggang project nila para sa 2020.

Kahapon nga ay nag-story conference na sina Coco Martin at Angelica Panganiban para sa isang pelikula na pagsasamahan nila sa February 2020, ang “Love or Money”.

Oh, ‘di ba? Sa title pa lang, interesting na, dahil parang pinapipili ka na agad sa kung ano ba ang mas mahalaga sa tao ngayon, ang pera o pag-ibig?

Marami ang magsasabi na pag-ibig ang mahalaga, pero sa hirap ng buhay ngayon, ang iba ay mas pinipili na ang pera kesa pagmamahal.

Anyway, masaya nga si Coco na medyo makakakawala siya sa sunod-sunod na bugbugan, bakbakan, barilan. Oo nga naman, sa loob ng ilang taon, puro ganu’n ang mga eksenang ginagawa niya, kaya happy siya na makakagawa siya ng drama na may pagka-romcom na rin.

“Masarap sa pakiramdam na may ibang gagawin kasi sanay na ako araw-araw na puro action, so iba ito. At saka, dream come true ito para sa akin.

“Alam naman natin na magaling na artista si Angelica. So, ngayon pa lang parang kinakabahan na ako. Nakaka-pressure,” pangiti-ngiting chika ni Coco.

May pagka-sexy rin kaya ang movie na ito? Natanong kasi si Angelica kung hanggang saan ang kaya niyang ibigay? Kung handa ba siyang magpaka-daring sa harap, eksena ni Coco?

“Kailangan maaprubahan muna ni Mr. M (Johnny Manahan). Sa ngayon kasi, bilang isa na akong sweet girl, mahihiya si Kathryn Bernardo sa pagka-sweet girl ko. Hahahahaha!” sabi ni Angelica.

Pero, sa mga video na naglabasan sa story conference, makikita rin na parang hindi makahirit masyado si Angelica sa harap ni Coco, ha!

“Kinikilig ako! Hahahaha! Ngayon pa lang kami nagsasama, kinikilig agad. Iba kasi si Cocs. O, ‘di ba? Close na kami. Cocs agad. Hahahaha!” chika ni Angelica.

Well, bongga naman na may aabangan agad sa 2020 ang mga fan nina Angelica at Coco, ha!

Ang bongga ni Angelica, na sobrang benta niya, dahil sunod-sunod talaga ang mga pelikula niya. Wala man siyang dyowa, sagana naman siya sa work.

So, bagay nga sa kanya ang movie na ito. Love or Money? Alin ba ang mas mahalaga sa kanya?

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy