Una sa Balita

Angelica sagad pa rin sa buto ang pagkamuhi kay Carlo

0 797

Hindi talaga maiwasan ni Angelica Panganiban ang maging maangas (o magmaasim) tuwing napag-uusapan si Carlo Aquino.

Muling humirit si Angelica ng sagot sa isang netizen na nag-comment sa kanyang Instagram post kamakailan. Ayon sa netizen, may kung ano raw hugot si Angelica kaya ang mga post niya sa kanyang naging trip sa Italy ay puno ng emote.

Tulad na lang ng isang post niya kasama ang ilang kaibigan na kuha sa Fontana di Trevi – Roma, sa caption ay may nilagay siya na “natitirang matitinong Aquino”.

“Happy Birthday kuya james 🙂 natitirang matitinong Aquino na mahal na mahal ko 🙂 Mi Familia .. #RomeRomeRomeYourBoat,” caption ni Angelica.

Comment ng netizen: “Ang pagmamahal ni Angge hindi basta-basta nauubos pero ang matininong AQUINO konting-konti na lang…. ganun?”

Reply ng aktres: “Ang witty mo!”

Isa pang netizen ay nag-iwan ng komentong, “Carlo Aquino left the group.”

Sagot naman ni Angelica: “Matagal na niyang ginawa.”

Sa ganitong pagsasagot ni Angelica, mukhang matagal pa ngang mapapatawad nito ang kanyang ex-boyfriend. Mukhang sagad sa buto pa rin ang pagkamuhi nito kay Carlo.

Pero naghihintay ang 5.5 million followers ni Angelica sa IG kung kelan ito kakalma at magkaroon na ng peace sa kanila ni Carlo. (Ruel Mendoza)

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More