Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Angelica, Piolo, Vilma magtitipon vs Digong, Martial Law

0 283

Binabarag si Angelica Panganiban ng ilang netizen sa mismong Instagram post niya kaugnay sa isang open forum event na magaganap ngayong Linggo (Sept. 20), sa Facebook page ng AktorPh.

Muling babalikan ng grupo ni Angelika na kinabibilangan nga ng iba pang artista na Anti-Duterte, ang mga pelikulang kumalaban sa Martial Law.

Bagamat, ilang dekada na ang nagdaan nang ipatupad ang Martial Law sa panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, tila nais na ihalintulad sa forum ang panahon noon sa pamamalakad ng kasalukuyan gobyerno.

Sa titulo pa lang ng event na “GANITO KAMI NOON GANITO PA RIN BA NGAYON?” may pahiwatig ang pagtitipon na pag-usapan ang pagtutol nila sa kasalukuyang gobyerno.

SM food to go Banner Ad

“Kami sa Aktor ay naniniwala na ang pelikula ay may taglay na kapangyarihan para ilahad ang mga kuwento ng bayan. Samahan nyo kami sa napapanahong diskusyon tungkol sa pelikula, paniniil at pagpalag sa panahon ng Martial Law,” ang deskripsyon ni Angelica sa pag-iimbita niya sa mga mga supporter niya na tutukan ang kanilang live.

Mababasa naman ang mga comment na tutol sila.

@librasmile78: “Martial law na naman kung di tungkol sa kabit tungkol naman sa paninira. Maige sana kung ipapakita rin yung mga magagandang dulot ng martial law wag puro nega. Nakakasuya rin pala manood ng pelikulang Pinoy kung namulat ka sa katotohanang puro sila makasarili.”

@rheybobmac: “mga pelikulang utot.”

Makakasama sa forum sina Piolo Pascual, Glaiza De Castro. Pati na sina Direk Joel Lamangan at Lualhati Bautista. Special guest naman sina Ricky Lee at si Congresswoman Vilma Santos. (Rey Pumaloy)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.