Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Angelica ober da bakod pag nagutom

0 156

Inamin ni Angelica Panganiban na may mga natanggap din siyang offers mula sa ibang TV network pero mas pinili niyang manatili sa ABS-CBN.

Ayon sa aktres sa kanyang virtual conference recently, hindi raw sumagi sa isip niya ang lumipat ng ibang istasyon.

May mga tumawag. May mga nag-offer. Hindi siya kasi sumagi sa isip ko, e.

“Of course may mga tumawag, may mga nag-offer. Hindi siya kasi sumagi sa isip ko. Hindi pa siguro ngayon. Hindi ko puwedeng pangunahan yung mga pangyayari, di ba?” aniya.

Pero kung ngayon ang pag-uusapan, hindi raw niya kayang iwan ang ABS-CBN.

“Happy ako, eh. Happy ako kung nasaan ako ngayon. So, hindi ko nakikita ‘yung need (na umalis sa ABS-CBN).

Pero agad niyang nilinaw na walang siyang against sa mga ibang kapwa-Kapamilya stars na lumilipat ng ibang network.

“I have nothing against naman sa mga kaibigan ko rin na gustong magtrabaho sa ibang network, di ba? Iba-iba, eh. May mga pangangailangan tayo, eh. May mga kaibigan tayo sa industriya na talagang kailangang-kailangan, so, dun sila, di ba?”

“Ako naman, I’m very thankful na hanggang ngayon may trabahong ibinibigay sa akin yung ABS-CBN. So, dito na muna ako,” deklara niya.

Pero dagdag niyang natatawa, “siguro pag walang-wala na talaga, wala na kaming makain pamilya, saka ako lilipat. Pero hangga’t meron, okey pa naman ako.”

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.