Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Angelica nainggit sa halikan nina Arci, Paulo

0 34

Muling malilito ang puso ni Paulo Avelino (Emman) dahil sa pagkakaipit niya sa pagitan ng dalawang dating kasintahan. Mahuhuli nga siya ni Angelica Panganiban (Celine) na nakikipaghalikan kay Arci Munoz (Sam) ngayong Biyernes (Jan. 15) sa Kapamilya teleseryeng “Walang Hanggang Paalam.”

Pagkatapos makitang naghahalikan sina Emman at Sam, lalong makukumbinsi si Celine na kaya ayaw nang maniwala ni Emman na buhay pa ang anak nilang si Robbie ay dahil naka-move on na ito sa piling ni Sam.

Sakit naman ang idudulot nito sa dalawang babae lalo pa’t bumabalik na ang pagtingin ni Celine kay Emman, at si Sam naman ay patuloy na umaaasang mahalin din siya nito.

SM food to go Banner Ad

Magkakaroon ng komprontasyon sa pagitan nila, at hihirit naman si Sam kay Celine ng, “Iniwan mo na si Emman kaya wala kang karapatan na magalit ngayon.”

Samantala, patuloy pa ring pinapaikot ni Zanjoe Marudo (Anton) ang isipan ng dati niyang fiance na si Celine at pilit pa rin pinagtatakpan ang kanyang mga kasalanan bilang mastermind ng sindikatong kumidnap at pumatay kay Robbie.

Muli kayang talikuran ni Celine si Emman para paniwalaan si Anton? Magawa kaya ni Emman na kalimutan na si Celine at mahalin si Sam? (Dondon Sermino)

In-house Wendys Banner – square

Leave A Reply

Your email address will not be published.