Una sa Balita

Angelica hindi maka-move on sa galit kay Carlo

0 2,107
tonite-oh-laban-ka-rey-pumaloy
 
Matatagalan pa bago maka-move on sa kanyang wasak na puso si Angelica Panga­niban. ‘Yan ang laman ng tweet ni Angelica nu’ng Miyerkoles nang umaga, na kung saan ay humingi rin siya ng payo o suporta sa kanyang mga follower kaugnay sa kanyang pinagdaraanan.
 
Nagpahiwatig si Angelica sa nalalapit na ang pagwawakas ng kanyang serye sa ABS-CBN, ang “Playhouse” na pinagbibidahan din ni Zanjoe Marudo.
 
Binanggit ni Angelica ang tungkol sa kanyang mga ex-dyowa, na ayon sa kanyang mensahe ay isa sa matatagalan siya bago maka-move on.
 
“Kapag natapos na ang Playhouse. Puwede bang suportahan niyo ko sa pag-move on. Sa tatlong nakarelasyon ko, sure akong dito ko matatagalan makapag-move on,” sabi niya.
 
Sina Carlo Aquino, Derek Ramsay at John Lloyd Cruz ang mga nakarelasyon ni Angelica. Pero nagkaroon ng sitsit na nagkabalikan sila ni Carlo.
 
Pero nitong mga nakaraang linggo, nag-iba ang timpla ni Angelica sa kanyang mga follower nang sabihan siyang tigilan na ang pagpapahaging tungkol kay Carlo, na tila sinisira nito ang aktor. Dahil doon ay nilayuan na niya si Carlo.
 
Asahang marami pang mga makahulugang tweet si Angelica na may kinalaman sa kanyang pagiging broken-hearted sa mga susunod na araw.
 
 

Kapamilya singer-host nagpatutsada sa mga teleserye ng Dos

 
 
 
 
Pinatatamaan ba ng singer-host ng “It’s Showtime” na si Teddy Corpuz, ang mga teleserye partikular na ang mga creative team nito, dahil sa de-kahon at wala nang pagbabago sa plot ng mga kuwentong inihahain ng mga ito sa telebisyon?
 
Ito ang laman ng tweet ni Teddy na nagtatanong sa kanyang follower pero alam mong may halong sarcasm ang da­ting nito.
 
“Ano kayang teleserye ang hindi magtatapos sa kidnapan then may kasalan sa ending? Or dati na mahirap ‘yung bida pero ampon lang at mayaman talaga ‘yung pamilya niya?” sabi ni Teddy.
 
Wala namang direktang tinukoy si Teddy na teleserye sa kanyang pahaging, pero alam naman ng lahat na may mga ganitong kuwento ang Kapamilya network kung saan siya nagtatrabaho.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy