Una sa Balita

Angelica gusto nang mag-asawa

By
0 881

Larawan ni Carlo Aquino ang naging sagot ng mga netizen kay Angelica Panganiban tungkol sa kanyang nakakaintrigang tweet noong isang araw.

Ayon sa Kapamilya actress, gusto na raw niyang magka-asawa sa taong 2019 at parang ice cream daw itong hinihingi niya. Kahit may kasunod siyang tweet saying na nilagnat siya pagkatapos niyang mag-tweet at napainom siya ng paracetamol tablet, pero para sa mga faney ay seryoso si Angge dito at suportado naman nila ito.

Aba, 32 years old na rin ang dating child star at nakailang se­rious heart breaks na rin ito, kaya ang kanyang wish ay justifiable nga naman na.

Pero, ang tanong? Sino naman kaya ang gusto niyang maging partner for a lifetime?

Wala namang kinukumpirmang karelasyon ngayon si Angge, at puro paduda pa rin kung sila nga ba ni Carlo o hindi?

‘Yung tsika naman sa kanila ni JM de Guzman is totally out na kasi meron na nga raw itong Barbie Imperial pero friends pa rin sila, huh!
Well, si Carlo nga ang pinakamalapit na candidate, pero wala pa namang sagot na kahit pahapyaw man lang ito sa tweet ng kanyang partner sa pinilahang Exes Baggage.

Kung parinig man itong tweet ni Angelica, sana kung sinuman ang gustong magseryoso sa kanya ang nababagay dahil hindi naman biro nga ang pag-aasawa.

Dumaan naman na talaga siya sa buhay ng isang dalaga, at na-maximize na rin niya ito, kaya, hindi nga nakapagtataka na ang pagpapamilya na ang nasa isip niya ngayon.
Got for it!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy