Abante Online
Abante is the leading Tagalog-language tabloid paper in the country.

Angelica, Gregg pakakasal sa 2023

0 80

Ang tingin ng mga fan, ‘engaged’ na sina Angelica Panganiban at Gregg Homan. At tantiya rin ng mga fan, live in na ang dalawa sa Subic.

Well, mukhang sa Subic na nga talaga naka-base si Angelica. At mas madalas nga ay kasama na niya ang boyfriend niya.

Tulad na lang sa latest photo na pinost niya, na nasa yate sila ng dyowa niya, at todo tuka siya sa lalake, dumagsa ang mga komento na puro heart, at ang iba ay singsing, na may kasamang mga puso.

Eh, pag singsing ang mga komento, ang gusto ngang tukuyin doon ay ‘engaged’ na at pakakasal na sila.

Eh, may na-mention pa si Angelica na in 2 years time ay makakasama na niya ang malapit niyang kaibigan. At tingin ng mga fan, baka raw 2023 ang planong pakasal ng dalawa, at ang mga kaibigan nitong nasa abroad ay babalik ng Pilipinas para sumaksi sa kanilang kasal.

Well, malabo nga kasi ang kasal ngayong 2021, at sa 2022 naman ay eleksiyon, at marami rin ang nagbabalak pakasal, at malamang ay pasimula pa lang ang pagbabalik sa normal ng sitwasyon sa Pilipinas.

So, the best nga raw ang kasal sa 2023, dahil tapos na ang lahat ng problema. At kung magkatotoo man `yon, lahat ay magiging masaya para kay Angelica.

Sabi nga, sa wakas, nahanap na ni Angelica ang tunay na pag-ibig!

“Had a perfect week. Better to have a weekend jaaz like that!” sabi lang ni Angelica. (Dondon Sermino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.