Una sa Balita

Angelica feeling VIP, super taray sa airport

Kairita, ha!

By
0 903

Nagkaroon kami ng pagkakataon na makapunta sa Boracay sa imbitasyon ng ilang kaibigan. Bale chance na naming makita ang bagong bukas na Boracay after nitong ma-­rehabilitate.

Maaga kami sa airport at nakita namin si Angelica Panganiban na later ay kasabay pala namin pagpunta sa Boracay at nalaman namin na may taping pala doon ang “Banana Sundae” sa may La Carmela de Boracay ni Boy So.

Sa Manila departure area pa lang ay narinig namin si Angelica na tinatarayan ang isang security guard dahil tinanong pala niya kung saan ang VIP Room. Ang pagkakaintindi raw ng guard ay BPI ang hinahanap. Kaya tinuro siya sa labas.

Iritable si Angelica kasi kinailangan niyang lumabas at pumila ulit sa security check. Hindi ko alam na ang mga artista pala sa airport natin ay considered na VIP. May mga nakakasabay kaming mga artista sa biyahe na hindi naman VIP treatment.

Dahil wala kaming tulog at medyo groggy kami sa loob ng eroplano ay narinig namin na mga flight attendant naman ang binu-bully ni Angelica dahil ang tagal ng eroplano bago nakalipad dahil naghihintay ng go signal mula sa airport traffic controller.

Pinagpapaliwanag niya ang mga FA kung bakit daw nag-iiskedyul ang mga airline ng oras ng alis ng eroplano gayung hindi raw nasusunod. At nagde-demand siya ng drinking water eh binibili ang tubig at food, since no frills airline ang sinakyan niya. Sinabi ng FA na nagbibigay lang sila ng free water kapag three hours delayed. Siguro alam naman ni Angelica na nangyayari ang mga delay sa tagal na niyang nagbibiyahe, noh.

At saka wala sa trabaho ng FA ang mag-announce ng delay kundi mga piloto. Kamuntik na akong sumabat at pinigilan ko na lang ang sarili ko sa inis.

At pinamumukha pa niya sa mga FA na iniwan daw siya ng eroplano earlier. Natural, hindi ka dumating sa oras, eh.
Buti kung arkilado mo buong plane para hintayin ka. Gayunpaman ay may schedule ang paglipad ng eroplano na aprubado ng CAAP dahil maraming eroplano ang lumilipad sa area.

Sana man lang, maging maganda ang imahen ng mga artista in public bilang mga hinahangaan at role model. ‘Yang propesyon na ‘yan ang pinasok ninyo.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy