Una sa Balita

Angelica diring-diri kay Carlo

By
0 943

Nanggaling na mismo sa bibig ni Angelica Panganiban na hindi na sila magkaibigan ni Carlo Aquino.

Nagsimula ang panlalamig ng pagkakaibigan nina Angelica at Carlo sa biglang paglabas ng nababa­litang non-showbiz girlfriend ni Carlo na si Trina Candaza.

Nakatanggap ng bashing si Carlo mula sa mga CarGel fan dahil ginamit at pinaasa lang daw ng aktor ang aktres. Dito na nagsimula ulit ang pag-e-emote ni Angelica sa social media. Kung ano ang maging lungkot at emote ni Angelica noong maghiwalay sila ng mga ex-boyfriends niyang sina Derek Ramsay at John Lloyd Cruz, naulit iyon kay Carlo. Kaya wala raw siyang plano na makatrabaho ulit si Carlo.

“Hindi na muna siguro. Siguro panahon makakapagsabi. Kung buhay pa siguro ako nun. Pagtanda namin, mga Tita Glo, ganun,” seryosong pahayag pa ni Angelica.

Matagal na raw silang walang communication ni Carlo simula noong lumabas na ang photo ng model-girlfriend nito. Inamin din ni Ange­lica na disappointed siya sa nangyari sa kanila ni Carlo.

“‘Yun ang sabi niya—umasa daw ako. So sa lahat naman ng sinabi niya, pinakita niya, yun naman ang hinihintay ko.
“Sabi niya, gusto niyang maging maayos siya. Baka inaayos niya ang sarili niya ngayon,” sey pa ni Ange­lica.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy