Una sa Balita

Angelica, Carlo todo lambingan sa Japan

By
0 806

Hindi man kinumpirma sa amin ni Glaiza de Castro na makakasama nila ni Angelica Panganiban si Carlo Aquino sa kanilang barkadahang bakasyon ngayon sa Japan, pero nag­labasan na sa social media ang larawan na trulili ngang kasama ito sa trip nilang ito.

Marami nga ang kinilig sa post na bukod sa joined force silang pumunta, ay twinning pa raw ang suot nilang jacket na pula.

Pero, ang mas na kinakiligan ng mga netizen ay ang picture ng dalawang nakasuot din ng jacket na pula na nagki-kiss na magkadikit ang mga ilong ‘yun nga lamang ay nakamaskara ang mga ito.

Para sa kanila ay obvious naman na sina Carlo at Angelica ito na kitang naga-enjoy talaga sa kanilang Halloween vacation.
Ang ebidensiya ng mga faney na silang dalawa ito dahil sa nakasuot na earrings ang babae, at ‘yung lalaki naman ay may hawak na sombrerong itim na sina Angge at Carlo nga ito.

Well, ano naman masama kung sakali?

Enjoy-enjoy lang naman ang datingan ng power couple na ito, devah?

‘Yun na!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy