Una sa Balita

Angelica, Carlo nawasak ang samahan

‘Nasaktan ako! Tama na!’

By
0 875

Wala munang mga post o tweet si Angelica Panganiban tungkol sa kanilang dalawa ni Carlo ­Aquino dahil nagdesisyon na ang aktres na hindi na siya magsi-share ng kahit anong ­kaganapan tungkol sa kanilang dalawa ng binata.

Nasaktan si Angelica sa pagpuna sa kanya ng basher/follower sa diumano ay palipad-hangin niya sa aktor. Hindi man diretsahang sinabi ng basher/follower pero parang ang tinutumbok nito ay ang panggagamit umano ng aktres kay Carlo.

Heto ang sabi ng basher/follower:

@bashangggg11: “Palagi kang ganyan. Aware ka sa impact nang nagagawa nyan kay Carlo? Palagi syang dehado sa ginagawa mo. Sarili mo ngang fans bina-bash siya at hinuhusgahan nang walang basehan. Grow up Angge. Pag-usapan nyo yan ni Carlo. Wag mong idaan sa social media lahat. Minsan nakakaduda rin kung gaano ka- genuine mag-care for Carlo. Kung ano ang ikinadaldal mo, ikinatahimik nya. Jusko para kayong 13 14 ulit. Hoy 33 34 na kayo. Act your age.”

At sinagot ito ni Angelica na umaming nasaktan siya sa paratang na ‘yon.

“Sa lahat ng na-offend ko. Sorry. Hindi ko alam na may isyu pala kayo sakin. From now on hindi na ko magsasalita. Huling caption ko na po ito. Kasi nakakahiya sa inyong mga nasaktan ko. Tama ka. Madaldal ako. So tatahimik na ko. Sorry po. I will act my age po. Hindi na kayo makakarinig nang kahit na ano regarding Carlo. Lalayuan ko na lang din para hindi ako mahusgahah at hindi na po sya mahirapan sa sinasabi nyong ‘impact’ na ginagawa ko para madehado po sya. ­Happy po? Thank you po. Sana maintindihan ninyo at mapatawad ninyo ako. Pagod na din ako sa kanegahan at pakekealam nyo. Nasktan na din ako. So. Tama na.”

Hindi dito natapos ang sagot ni ­Angelica sa pagpuna sa kanya.

Itinuloy nya ito sa Twitter.

“Sana din matuwa idol nyo sa pag-iwas ko sa kanya at malagay sya sa tahimik. Ako pala kasi sumisira sa idol ninyo. Enjoy 2019,” tweet pa ni Angelica.

Sinabi nito sa sumunod na tweet niya na nasira na ang samahan nila ni Carlo dahil sa mga basher.

“Maayos naman ang samahan naming. Sinira nyo lang. Sana masaya na kayo.” ()