Una sa Balita

Angelica, Bea nagkasakit sa sobrang pagod

0 466

Alam mo, Dondon, kahapon, kinumusta ko kay Austin ng Star Cinema promo ang pakiramdam ng two leading ladies ni Richard Gutierrez na sina Bea Alonzo at Ange­lica Panganiban.

Tinanong ko kung makaka-join na ba sina Bea at Angelica sa three mall shows kahapon. After kasi ng mall show nila sa SM Fairview noong Friday, nagkasakit na si Angelica dahil sa over fatigue.

Tuwang-tuwa pa naman siya dahil napakaraming tao sa mall show, pero after nga ay na-hospital na, kaya absent sa two mall shows noong Saturday at sabi nga ni Austin sa akin kahapon, “Masama pa rin po pakiramdam ni Angelica, hindi po ako sure kung nakalabas na ng hospital, pero hindi po makakapag-mall shows ngayon!”

Naku, sana gumaling na si ­Angelica para maka-join na siya bukas sa ­premiere night ng Unbreakable sa SM Megamall. Pero mukhang kaya nga raw nagpapahinga si Angelica ay para nga makapunta bukas.

Si Bea naman, pagod din sa shooting at promotions ng Unbreakable, kaya bumigay na ang boses after ng It’s Showtime guesting nila ni Richard last Saturday at hindi na rin nakapag-mall show after.

Pero sabi naman ni Austin kahapon, “Ngayon naman po, makakasama na si Bea, pero sobrang paos pa rin po, kaya maggi-greet na lang siya sa mga manonood ng mall shows nila, hindi na po makakakanta.”

Pero, at least, magkasama na sina Richard at Bea sa mall shows nila ­kahapon.

Richard sa kotse na lang natutulog

Buti na nga lang at alagang-alaga ni Sarah Lahbati si Richard, kaya naman kahit ngaragan talaga ang schedule nila for Unbreakable ay hindi nagkakasakit ang aktor. Palaging on the go pa rin siya.

Pero noong Sunday night naman na ­tinatawagan ni ­Annabelle Rama si ­Richard pagkagaling sa SM ­Valenzuela mall show nila, tulog sa ­sasakyan ang aktor.

Madalas, sabi ng personal assistant ni Richard, si Jimmy Aguilera, “nagnanakaw” na lang ng tulog ang aktor kapag nasa sasakyan at bumibiyahe sa magkakaibang location ng Unbreakable ­promotions nila.

So, kapag sobrang traffic, mahaba-habang tulog din ang ­nagagawa ni Richard.

Ang bongga!

Anyway, sa mga fan nina ­Richard, Bea at Angelica, magkita-kita na lang bukas sa SM Megamall para sa ­Unbreakable premiere night, huh!

Sa Wednesday naman, kanya-kanya sila ng libot sa iba’t ibang block screenings ng kanilang mga fan at supporter.

Si Richard, mahigit 15 block screenings ang pupuntahan.

“We’re so grateful at opening day pa lang ng Unbreakable on Wednesday ay ang daming block screenings na,” sabi ni Richard.

Sa November 27 pa lang ‘yon dahil as of now, hanggang December 8 ay may block screenings pa ang mga fan, huh!

Ang taray!

Lovi, Montgomery sa L.A. magpa-Pasko

May ginagawang project sa Europe si Lovi Poe kaya nandoon siya ngayon. Bale sa November 30 ang balik niya sa bansa at tapos na raw ang project na sinu-shoot doon.

Bale ang personal make-up artist ni Ogie Alcasid na si Bheng ang plus one ni Lovi sa project na ‘yon para may mag-aayos sa kanya sa shooting doon.

Pero in fairness, walang personal ­assistant na isinasama si Lovi, kaya siya na mismo ang nag-aasikaso ng kanyang mga gamit.

Si Lovi naman, sanay na rin sa ­trabaho abroad, kaya hindi na ­nagsasama ng ­assistant kung hindi naman talaga ­kailangan.

May mga nagtatanong nga pala kung pupunta ba ng Los Angeles, ­California si Lovi at magki-Christmas doon para dalawin ang rumored-boyfriend na ­Hollywood producer, si Montgomery Blencowe, pero wala namang sinasabi ang dalaga.

Pero, siyempre, hindi ako magugulat kung may posting siya na nasa L.A. na naman siya.

Obvious namang in love si Lovi, pero hindi nga lang siya mahilig magkuwento tungkol sa kanyang love life.

Parehong-pareho natin si Lovi, ‘di ba, Dondon?! Hahaha!

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More